Willie Revillame Angry Video on John Estrada ABS-CBN Noontime Show

January 29, 2011

John Estrada

John Estrada


Willie Revillame publicly lambasted bestfriend John Estrada while hosting Willing Willie, it happened the day before his 50th birthday on January 27. Willie Revillame was upset because he just learned that John Estrada and Randy Santiago will host a new ABS-CBN Noontime Show. That new noontime show will also be hosted by Mariel Rodriguez and Toni Gonzaga. Willie Revillame was upset because he was in talks with the TV5 bigwigs for a similar noontime show for John Estrada and Randy Santiago in TV5. Willie Revillame, John Estrada and Randy Santiago were together for years hosting ABS-CBN’s noontime show, MTB (Magandang Tanghali Bayan). In his frustration, Willie Revillame publicly declared that he is dropping out from being Best Man in John Estrada’s wedding next month. Willie Revillame also threatened that their friendship will end the moment John Estrada accepts the ABS-CBN hosting job, and that he will instead everyday promote on his show for people to watch it’s potential rival, GMA-7’s Eat Bulaga. Here is the transcript of Willie Revillame publicly lambasting John Estrada while talking to him over mobile phone while Willing Willie was airing on air live.
httpv://www.youtube.com/watch?v=TgYc2DMDw5A

“Bakit? May noontime show na kayo dito, inaayos ko na saka aalis kayo. ang hirap sa inyo iiwanan nyo naman ako. Iniwan nyo na ko dati. Tandaan mo ‘to, hindi magri-rate yan. Tandaan mo yan. Ako nagsasabi sa ‘yo.”

“O ayan, sige bahala kayo! Hindi, ipaplug ko dito Eat Bulaga araw-araw. O bakit? Ito si John Estrada (addressing the studio audience) nag-uusap na raw sila. Ano? Nandito sa studio. Sandali. Ano?

“Kasi dapat may noontime show sila rito eh. Tapos bigla na namang lilipat na lang sa Channel ano na naman. Inaayos ko na tapos eto. Nakakasama kayo ng loob. Inaayos ko na lahat tapos bigla nyo naman akong iiwan na naman.”

“Ano? Hindi na ‘ko pupunta sa kasal mo. Maghanap ka ng ibang Best Man. Kahit manood ka ng TV, Channel 5, baka naglipat ka na naman. Basta maghanap ka na ng ibang Best Man. Eh ikaw bahala ka. Basta ako, iniwan nyo na ko dati. Hindi na, iniwan nyo na ko dati. Pinagkaisahan nyo ko, bumalik ako sa MTB, hinanap ko pa rin kayo. Kayo pa rin ang binalik ko, alam nyo yan. Pero kung iiwan nyo ko ngayon, okay na yan. Magsulian na tayo ng kandila.”

“Okay lang yan. Kung mas mahal nyo yan, na gumanyan sa ‘tin, tinanggal tayo. Pag ‘di kayo nag-rate, tatanggalin din kayo niyan. Maniwala kayo sa ‘kin. Tama? (asking the audience)”

The audience shouted, “Tama”.

“Sinalo na tayo ng Channel 5. Eto na sumali sa ‘tin eh, tatalikod pa tayo sa kanila. Tama?”

“O basta bahala ka na. Basta ako, minahal kita bilang kaibigan. Pag nag-Channel 2, nag-noontime show ka pa dyan, wala kang kaibigan na Willie. Masakit yang gagawin nyo sa ‘kin dahil inayos ko na, nag-meeting na ko kagabi tungkol sa noontime show dito. Yun lang. Masama talaga loob ko. Masama ang loob ko dahil inayos ko na to kay Mr. MVP, kay Mr. Rey. Pero kung dyan kayo masaya sa nanakit sa ‘kin, sa nanakit sa ‘tin dati, dyan na lang kayo.”

“O sige lang. Tatrabaho muna ko. Oo, okay na ‘yun”.

Willie Revillame addressing the audience:

“Ganon lang kasimple ang buhay, dapat totoo ka…. Guest natin sila, kelan ba guest natin si John? Sabado? Di na pupunta yan. Pipigilan na yan kasi Friday yata sila magsisimula dun eh. Di ba?”

Someone from the audience shouted, “Okay lang ‘yan! Dito na lang kami!”

Willie Revillame replied, “Oo kayo importante sa buhay ko”.

“Di ba? Alam nyo nag-meeting na kami eh. May noontime show dapat dito, Randy, John. Sasabihin ko sana ‘yung iba pang babae pero, tapos, masakit sa loob ko dahil inaayos ko na maayos sila rito. Tapos bigla silang inofferan ng Channel 2, nandun na naman sila sa Channel 2. Hay naku! Eat Bulaga tayo! Eat Bulaga tayo!”

Latest: