Sharon Cuneta Reacts to the Kiko-David Celdran Affair email

July 19, 2007

Megastar Sharon Cuneta reacted to the Kiko-David Celdran Affair email. “Si David? Ha! Ha! Ha! Alam mo, there was a time na Kiko and David lived together, when Kiko reviewed for the Bar exams.

“Imadyinin ninyo na lang kung isa kayo sa siyam na magkakapatid na gaya ni Kiko na ang may asawa pa lang noon sa kanila, siguro, dalawa o tatlo?

“So lahat magulo. Sa bahay nila, parang circus dahil ang laking family. So he had to rent a house. Ang nakakatawa, tinatawag niyang best friend si David pero hindi naman namin nakikita all the time!

“Kanya-kanya naman sila ng buhay, ng lakad. Kiko wants peace and quiet because he’s reviewing for the Bar. Right after that, nagpakasal na kami. Ninong ng anak ko si David.

“David is happily married. He has beautiful children, beautiful wife at ang joke ko lagi kay Kiko, kung nakilala ko nung una si David, siya ang napangasawa ko. Ha! Ha! Ha!

“Joke lang yon. He is the ninong of Frankie and ardent supporter and a great friend to us. Kabastusan yung ginagawa nilang yon. Napakadisente ng pamilya nila.

“You know what? What goes around comes around. I really believe in that. Wow, what an effort to compose a letter and e-mail it to everybody? Spread this letter around, all these lies, amazing!

“At this point in time, I should be trembling kung anuman ang mangyayari sa kanya dahil ang Diyos ay hindi natutulog!

“Kami, we never speak-ill of other people para makaisa lang kami. Step on other people’s toes. That’s evil! Kasamaan yon.

“Siguro tinitira siya dahil sa tatag ng pamilya namin.

“Sino ba yon? He’ll probably tell me later. Lahat, pasa-Diyos na lang. Kung ano ang ginawa mong masama, babalik sa yo. Kung hindi sa kanya, baka sa pinakamamahal mo!

“Basta kami, we live honest lives. We work hard for a living. Kung puwede nga lang mag-lechon dito sa La Mesa Grille ang asawa ko, no?” mahabang paliwanag pa ng megastar.

Ngayong nabiyayaan ang mga hirap nilang mag-asawa nung nakaraang eleksyon, ang showbiz career naman niya ang kanyang haharapin.

“Abonado kami sa eleksiyon, kaya sa restaurant kami ngayon kumikita at pati na sa trabaho ko sa showbiz.

“Uunahin ko muna yung commitment ko sa Star Cinema and then, yung sa GMA Films with Robin (Padilla).

Latest: