Kris Aquino The Buzz Breakdown Transcript, Dolly Anne Carvajal Says It Was A Turn Off

March 17, 2010
Kris Aquino

Kris Aquino

Here is the transcript of the emotional “breakdown” of Kris Aquino during last Sunday’s The Buzz. Incidentally, in her showbiz column today in the Philippine Daily Inquirer, Dolly Anne Carvajal lashed out at Kris Aquino (and eventually Noynoy Aquino), for being onion-skinned despite the many controversies that besieged her, previous to the Ruffa Gutierrez issue. Dolly Anne advised Kris to be “shock-proof” on issues thrown at her. Read her column, Dollywood, here. Meanwhile read the transcript of Kris Aquino emotional “breakdown” on The Buzz last Sunday below:

Boy Abunda and Kris Aquino in The Buzz

Boy Abunda and Kris Aquino in The Buzz

I got flowers from Ruffa in my dressing room, i had a beautiful note from her. Ang main message ng note was sana, peace. And now ahm, that’s also what I wish for. But aamin po ako sa inyo on my way here, kausap ko yung tatlong kapatid kong babae, and i was saying… i think i want to say goodbye. Sinabi ko sa mga kapatid ko na tao lang ako talaga. And i said, this election, parang lahat ng kagalit ni Noy, kung merong kailangang pintasan, ako parati. Tapos sinabi ko kay ate, ate parang mababaliw na ako kasi mababasa mo na parang ikaw na ang pinaka-walanghiyang tao sa mundo. Lalabas ka at libo-libo naman yung nagsasabing â€Å“i love you kris!” and i said, should i leave The Buzz? Tinanong ko kay ate, kay Pinky, at kay Viel. I didnt ask you Boy. Kasi this as a family decision. It’s a decision na binigay ko sa tatlong kapatid kong babae, kasi sinabi ko, people always say i’m a brat. But i’m not a brat when it comes to my family, sabi ko kay ate di ba ate napatunayan ko naman sa inyo lahat gagawin ko para sa pamilyang ito. Na pag sinasabihan niyo ako kris be humble, para matapos na mag-sorry ka na, kahit nung time na alam ko namang wala akong masamang ginawa, ginawa ko ang-sorry ako. Ginawa ko yun para sa pamilya ko, dahil nga ang pamilya ko ang sinisira.

Hindi ko ininvolve si Noy sa desisyon na to because Noy is not part of this show, hindi artista si Noynoy. Ginagalang ko ang pagka-presidente boy, dahil alam ko kung ano ang sinakripisyo ng tatay ko at nanay ko para magkaroon tayo ng demokrasya. Alam ko dahil sa pinagdaanan ko this week kung ano yung sakripisyo ng pamilya ko. Kasi kung kurakot lang po kami, kung magnanakaw lang kami, madali lang lahat ito eh. Pero masakit na. masakit po akin dahil ginagamit ako para sirain ang pamilya ko, eh nagbago naman po ako eh. Everyday i try to be the daughter that my mom deserves, sana po nararamdaman ninyo kung gaano kalungkot talaga. Sana alam ninyo kung gaano kahirap, how much i just missed my mom. Kasi kung nandito ang mommy hindi ganito. So my sisters told me, Krisy konting tiis na lang, dalawang buwan na lang naman eh. At saka sinabi ni ate sa akin di ba hindi ka quitter? Sinabi ni ate, di ba Krisy, naramdaman mo naman eh. Nung nagpunta sa Zamboanga, nung nagpunta sa Iloilo, ano bang sinisigaw ng mga tao, and i said, but ate a person can only take so much. And ate said, don’t cry kasi pag umiyak ka, si Noy ang naba-bother kasi di ba ang pinromise ni Noy aalagaan niya tayo. so you have to be strong for Noy. So they told me, sinabi nung tatlong kapatid ko, you go there and you hold your head up high. Because you know deep down that you’re a good person, and that Kris, at the end of the day pag hindi ka na sikat, pag wala nang nanunuod sayo, sino bang tatakbuhan mo? ang pamilya mo, and then sinabi sa akin ng kapatid ko we’re here behind you.

Sinabi nila sa akin na it’s a lesson, you just really have to be so careful with everything that escapes your mouth. And you just have to learn talaga kris na, all eyes are on you. So just try your best to stay strong. So ang sinabi ko sa tatlong kapatid ko, sa lahat po ng piangdadaanan, sa lahat nito talaga, this election that i never wished for, sinabi ko thank you ate. Thank you ate kasi love niyo ko, hindi niyo pinaparamdam sa akin na pabigat ako sa inyo. And i text Noy, i text Noy to say Noy, win or lose, kung anong mangyari, please know we’ve tried our very best. And i’m not gonna disappoint you anymore, and i’m not gonna give them reasons to criticize you. Alam niyo ho yung nangyari dito last week, tapos na ho yun at sana nga talaga tapos na. pero alam ko naman Boy hindi pa tapos eh, kasi hanggang matapos tong eleksyon na to, lahat naman talaga ng pwedeng mabato, babatuhin eh. Pero isa lang ho mensahe ko, hindi naman ho ako ang tumatakbo. Sige na ho gamitin niyo ko talaga kung gusto niyong sirain si Noy kung ako na lang ang kasiraan ni Noy, sige gamitin niyo po ako. Pero pwede ko pong ipagmalaki, mabuti ang pamilya namin. Nagmamahalan po ang pamilya namin. At minamahal po namin ang bayan natin kaya po lahat ng ito pinagdadaanan namin.

Maraming salamat sa lahat ng nagparamdam sa akin, that they’re behind our family and that they continue to support Noynoy whether i’m his sister or not. And to my sisters, kay ate, kay pinky at kay viel, thank you for taking the place of mom. Thank you for still loving me kahit nagkakaroon ng gulo dahil sa akin. And to my abs-cbn family, thank you very, very much for not giving up on me and sa lahat sa inyo na nanunuod, maraming, maraming salamat po, na for 14 years araw-araw niyo kong pinayagan to be a part of your lives. I am not perfect, i will never be perfect. But i’m not a liar, at hindi po ako masamang tao. Sinusubukan ko pong maging mabuting tao, at hinayaan niyo naman po ako to improve as a person. Boy thank you, thank you for giving me the space last week. I don’t know what else will happen, i wish i knew. But this is the reality of life, eto po ang eleksyon dito sa Pilipinas. Eto yung pagdadaanan nung pamilya, at kung meron lang po akong natutunan at pwedeng ipagmalaki sa inyong lahat, sa pamilya po ni Noynoy. Walang sikreto, kung ano kami nang dahil sa akin kitang-kita niyo na. so kung anuman ang magiging desisyon niyo po, you will reach that decision because you know us. And maybe by knowing our family, knowing how we were brought up and knowing kung sinong mga magulang namin, sana po, nandyan kayo para sa amin. Thank you.

Dolly Anne Carvajal

Dolly Anne Carvajal

Latest: