Chat with Francine Prieto

October 14, 2008

Sexy and beautiful Bubble Gang Girl Francine Prieto was her ever vivacious self as she answered her fans and supporters’ questions from around the world in the iGMA chat. Francine Prieto gamely answered questions from fans. Read On..

lostkid: francine, i like your character sa asero–kahit medyo konti sa screentime. pero sana pa rin magbalik si jingle… may chance ba for a bahay mo ba ‘to na movie?

francineprieto: hi! thank you thank you 😀 nakow, sana nga magkaroon miss na naming lahat ang bmbt pati mga characters namin 😀

maila_gilhang: musta na lovelife mo? may special someone ka na ba? thanks!

francineprieto: ayos naman, no boyfriend, no commitment kaya no heartaches and headaches hehehe 😀

karlsoriano11: gud pm!!!I lyk u tlga…..as in…

francineprieto: awwwww….. thanks karl 😀

pogindahauz_1: nu pong next project mo? d ka na po kc mxado nag apear sa movie industry! 🙂 ingats nlng plage. wag papabayaan sarili. mahirap na buhay ngaun e! ahaha peace! 🙂

francineprieto: hi pogiiiiiiii!!!! ngayon nagshushooting ako ng
“iskul bukol the movie” swerte ko nga kasali ako sa movie nila Tito, Vic & Joey!!! 😀 abangan mo ‘yan sa MMFF sa December 😀

nathalia_songbird_love_you: hello po!!!! masaya po ba ang taping nyo sa bubble gang?????

francineprieto: of course!!!!!!! super saya lalo na kapag gags kasi sama sama kaming lahat 😀

choi_hanna13: kamusta naman ang pag didiet muh?jeje(“,)

francineprieto: hi choi_hanna! nakow. di na ako nagdidiet!!! ayoko na mag-collapse!! nagtetennis, nagwowork-out at nag-jajogging ako para pumayat 😀

choi_hanna13: sin0 poh ang cl0se nyu sa bubble gang cast?

francineprieto: ang close ko sina diana at maureen 😀

choi_hanna13: mahilig poh ba kayu sa chocolates?

francineprieto: hindi ako mahilig sa chocolates eh di ko talaga gusto ang lasa, pero mga chocolate-flavored drinks gusto ko 😀

edc2k8: Happy 13th anniv. sa bubble gang! sana tumagal pa po ng kasing tagal ng Eat Bulaga ang show… at mas matagal pa.. sobrang nakakatawa po talaga at nakakawala ng lungkot… kaya nga napamahal ako sa GMA eh… We Love You ALL!

francineprieto: awwwwww….. nakaka-touch naman ang message mo 😀 sana suportahan mo palagi ang bubble gang ha 😀 mwah!!!!!

edanmilton: Hi Francine! I remember taking the entrance test with you sa DLSU (or CSB, can’t remember which one). Anyway, did you go to college before becoming popular? If you did, what did you major in? If not, do you plan to go back to school again someday?

francineprieto: hi edan! sa DLSU yun 😀 yes, sa ngayon di muna ako naka-enroll pero 3rd year college na ako at sa Adamson University ako nagaaral, BS-Psychology ang course ko 😀

nathalia_songbird_love_you: ate francine i relly like you in
asero ng bonggang-bonga!!!! super!!!

francineprieto: thank you bonggang bongga nathalia songbird love you!!! wheeew!!!!! 😀

chatterbaby: if you could give up one kind of food for life–one you’ll never eat again–what food yun?

francineprieto: actually, i don’t eat vegetables, naka-try na ako pero di ko talaga ma-take yung lasa eh, and di na rin ako kumakain ng pork since 2004 after ko sumali ng Extra Challenge sa Bali, Indonesia. ang cute cute kasi ng mga pigs, naaawa ako talaga 😀

burntwords: what is your dream (high-tech) fashion accessory? type mo ba yung omnia?

francineprieto: hi burntwords!!! hahaha! naka-omnia nga ako now, sooooper aliw ako now sa phone ko 😀

edanmilton: Francine, any plans of exploring/conquering the modeling scene abroad?

francineprieto: speaking of modeling, abangan mo ‘yan, isa yan sa surprises na gusto kong gawin lalo na’t nagpapapayat ako!!!! dream ko 23 waistline eh 😀

tsuperchin: cute mo sa Asero…bagay sa iyo yung character mo. ano pang project/role ang gusto mong gawin?

francineprieto: thanks tsuperchin! 😀 gusto ko yung super loka-lokang kontrabida!!! 😀 ‘yan ang gusto kong role 😀

diwata: ano ginagawa mo sa luma mong phones? kinekeep mo ba o binebenta mo sa iba?

francineprieto: binebenta ko para may pang-dagdag ako sa bibilhin kong new phone 😀

lara0822: lalabas ka ba ulit as angelina’s mom sa “ang spoiled”? 🙂

francineprieto: of course 😀 kaya palagi kang manonood ng “Bubble Gang” every Friday 😀

karlsoriano11: kailan p0h kau going here at pangasinan?…

francineprieto: gusto ko nga ulit bumalik sa Manaoag and kumain ng sizzling bangus sa Dagupan! yum yum yum 😛 nagutom tuloy ako hehehe

Latest: