The End of Willie Revillame

October 13, 2013

Willie Revillame cry

Willie Revillame cry on Wowowillie


Is it the end of Willie Revillame‘s career? Willie Revillame cried during the last telecast of “Wowowillie” held October 12. Willie Revillame made a tearful speech and he said:

“Galing ‘no? Dalawang programa na ‘yan na nagbibigay ng saya, at ito ‘yung panghuli, at ito ‘yung magbababa-bye na ngayong araw na ‘to. Medyo mag-o-overtime. Nakikiusap lang ako, for the last chance, huling araw na ho namin. Huwag niyo muna kami putulin, para naman po ‘yung samabayanan, makita nila ‘yung pinagsamahan nating programa.

Tatlong programa po na nagbigay talaga ng saya sa inyong lahat. “I’ll be honest with you. Hindi ako nagsisinungaling sa inyo, alam niyo pagkatao ko, nagkakamali ako, naggalit ako sa TV, lahat, dahil hindi po ako pwede maging hipokrito sa inyong lahat. Kung ano po ‘yung pagkatao ko, pinapakita ko.

Intindihin niyo nalang ako, dahil lagi naming iniisip po ay kayo. Lagi namin pong iniisip ay kayo. Dala-dala po namin iyon araw-araw.

Hindi po biro ang mag-show araw-araw, na kahit wala ka sa mood, may sakit ka, kailangan mo ngumiti. May namatay, may sakit ang anak mo, may sakit ang pamilya mo, may sakit ang staff mo, hindi po biro ‘yon dito sa amin sa ‘Wowowillie.’

Kailangan paglabas namin, sumisigaw ka, nakangiti ka kahit nagdurugo ang puso mo. Iyan po ang aming obligasyon, at iyon po ang aming kaligayahan, ang magbigay saya sa inyong lahat.”

While singing “Ikaw na Nga,” Revillame cried with his voice breaking. Willie thanked TV5 executives for allowing to continue his program the past three years. He also thanked former Sen. Manny Villar, who was in the audience, for giving away 28 houses as contest prizes.

“Dito po, ang pinapansin ay ‘yung mga hindi nabibigyang-pansin. Ang importante po dito, binibigyan ng halaga kahit sino ka, lalung-lalo na ‘yung mga taong kapus-palad, ‘yung mga tao pong nangangarap. Akala nila walang pangarap. Meron po, basta may mga programang katulad nito, na may pag-asang binibigay.

Nandito kami hindi para lang maging masaya kami. Nandito po kami dahil nagiging masaya kami pag nakakapagbigay kami ng kasayahan sa inyo araw-araw.

Ako po ay taong hindi nagtatanim ng galit kahit kanino. Ako po ‘yung taong wala sa akin ‘yung hatred, ‘yung bitterness, wala po sa akin ‘yon. Wala ho ako dito kung wala kayong lahat. Kayo pong lahat ang nagbigay sa akin nito, kayo pong lahat ang nagdala sa akin dito.”

But is it really the end of Willie Revillame on Philippine television? Apparently not. He is still open to a possible comeback. He said:

“Sarado na po ang ‘Wowowillie.’ May bubuksan para sa magandang pag-asa at magandang buhay. Abangan niyo po ‘yan… Wala pang kumakausap sa akin,” he quipped, laughing. “Kung may kakausap, pag-iisipan. Salamat! I will return!”

BTW, Is it also the end of Mariel Rodriguez?! Photo credits: TV5 and Mariel Rodriguez.

Pepsi Herrera gown

Mariel Rodriguez Pepsi Herrera gown

Latest: