Deniece Cornejo Denies She Invited Vhong Navarro to her Condo

January 28, 2014

Vhong Navarro text to Deniece

Vhong Navarro text to Deniece Cornejo


Deniece Cornejo denied she invited Vhong Navarro to her condo unit in Forbeswood Heights, Bonifacio Global City. Deniece Cornejo showed the text messages of her conversation with Vhong Navarro and in one of those, it showed Vhong Navarro asking Deniece if he can come to her condo. The conversation showed Deniece asking “where will go,” and Vhong replying, “Kala ko sa place mo na lng,hehe” and Deniece admonishing him saying: “Its my first time to sit and talk toyou if i allow you to enter at my place what will think of me.”

Deniece explained in detail how she got to know Vhong personally. She said they met in a shoe store.

Ilang beses na raw siyang kinukulit ni Vhong na magkita sila, kaya’t noong January 17 ay pumayag siyang bumisita ito sa kanyang condo unit (Contrary to Vhong’s statement on Buzz Ng Bayan that it was Deniece who invited him). Kampante raw ang dalaga dahil may mga inaasahan siyang dadating na iba pang kaibigan na makakasama nila ni Vhong. “Nagkita kami nung January 17 [Biyernes], pero wala pong nangyari. Pumunta po siya dahil kaibigan ko po siya. Pinayagan ko po siya. Tapos nag-usap kami, kuwentuhan… at alam niya, at alam ko na may papunta rin po akong kaibigan na pupunta doon sa condo ko.”

Noong gabi ng January 22, Miyerkules, muli siyang binisita ni Vhong sa condo dahil gusto raw siya nitong pagdalhan ng pagkain. Pumayag sya dahil paparating na rin daw naman ang mga kaibigan niyang sina Bernice at Cedric Lee. Noong una ay hindi umano nakaramdam ng pagkailang si Deniece kay Vhong dahil kilala niya ito bilang makulit na komedyante.
“Parang ang trato ko sa kanya, parang kapatid lang, parang kuya. Yun din po, parang hinahawak-hawakan ako sa buhok, ganun po. Umalma diumano siya nang bigla siyang kutuban na may ibang motibo na si Vhong base sa ikinikilos nito.

“Tapos, bigla na lang, sabi ko, ‘E, ayoko ‘yan. Ayoko ng ganyan.’ Kasi nakakaramdam na ako.” Ang sumunod na nangyari ay ginamitan diumano siya ng lakas ni Vhong, upang mapasunod sa gusto nitong mangyaring sekswal sa pagitan nila. “Inihiga niya po ako. Tapos yun, pinaghihila niya ako, nakalmot… may mga kalmot nga po ako. Tapos, biglang hinubad po niya yung pants niya, tapos pinipilit niya po.”

Hindi raw natuloy ang masamang balak ni Vhong kay Deniece dahil tiyempo namang dumating ang dalawang kaibigan ng dalaga, ang magkapatid na Bernice at Cedric Lee. Hindi na niya nasaksihan ang pambubugbog kay Vhong,, hindi malinaw kung nasaan at ano ang nangyari sa kanya noong mga oras na iyon. Nagkaharap na lang sila ulit ni Vhong sa police station, kung saan ipina-blotter niya si Vhong dahil sa tangka nitong panghahalay sa kanya. “Ni-report po namin kung ano’ng nangyari. So, may mga pulis naman po dun, pero wala siyang balak magsampa ng kaso laban kay Vhong. “Ayoko na rin malagay pa sa ganitong ano, kumalat, or ganito. So, pinatawad ko po siya. Binigyan ko siya ng pagkakataon na magbago po.” On the extortion or set-up issue, Deniece has this to say:

“Napakagaling naman po namin kung na-set up po yung ganun. At saka kung mase-set up po namin yun, e alam ko pong napakaimpluwensiya niyang tao. Kakalat at kakalat din ‘yan. Sino bang sinira namin? Pangalan namin. Reputasyon namin. Bakit ko pa siya dadalhin sa police station? Kung tutuusin, puwede ngang kung nandun, bakit niya pinirmahan yung police blotter? Bakit siya sorry nang sorry sa akin? Tsaka dun, puwede siyang sumaklolo. E, ba’t di niya ginawa yun?”

After all the accusations made by Vhong on Buzz Ng Bayan and she now plans to file a case. “Opo, magpa-file ako ng case, dahil unang-una, pinangalanan po ako.” She also said that Vhong has a history of assault on other women: “Nalaman ko lang po sa mga kaibigan ko na may history din po. “Nag-text din po sa akin yung mga random people na nagpapasalamt po sa akin dahil mga minanyak din po, minolestiya, yun po, ni ano, ni Vhong.”

Deniece Cornejo’s message to Vhong Navarro. Watch it below:
httpv://www.youtube.com/watch?v=GoCvgmcxyGs

Latest: