Ara Mina says Cristine Reyes Treats Their Mom Rudely

May 5, 2012

Ara Mina and Cristine Reyes

Cristine Reyes and Ara Mina


Ara Mina demands a public apology from sister Cristine Reyes before Ara Mina wants to talk to her and patch things up. This is in reaction by Ara Mina to a feeler reaching out to her sent thru a text message by Cristine Reyes. Ara Mina said she is yet to reply to Cristine Reyes text message because she is waiting for her to at least have some remorse for what she has done to her and do something about it, particularly by making a public apology. Ara Mina also revealed how Cristine Reyes harshly treats their mother. Here is what Ara Mina said explaining her demand for a public apology from half-sister Cristine Reyes:

“Nais ko pong kumpirmahin na nag-text sa akin si Cristine at nakikipag-ayos. Hindi po ako sumagot dahil hinihintay kong aminin niya ang kanyang nagawang pagkakamali at humingi siya ng paumanhin sa kanyang mga nagawa. Iba ho kasi ang pinapalabas niya sa media sa ginagawa niya. Matapos niya kong i-text ng pakikipag-ayos ay pinagsisigawan naman niya ang Mommy namin. Yun po ba ang nagsisisi?

Masakit ang sugat na ginawa ng kanyang mga paninira sa akin. Siniraan niya ako sa maraming tao. Mali po ang ikinakalat ng kanyang kampo na ako ang nagsa-publiko ng mga bagay na ito. Si Cristine ang nanira sa akin sa ibang tao. Ginawa ko lamang po ang tanging paraan na nakita ko upang matigil ang ginagawa niyang paninira sa akin at upang mabigyan siya ng leksyon kaya po ako nagsampa ng kaso. Sa awa po ng Diyos, tumigil na ang paninira niya sa akin sa text. Subalit walang pagsisisi on her part at sa kanyang ginawa.

Paano mo patatawarin ang isang taong hindi naman umaamin na siya ay may nagawang pagkakamali? Mahal ko ang kapatid kong si Cristine pero kahit mabigat sa loob ko, kailangan ko gawin ito para proteksyunan naman ang sarili ko sa mga mapanira at mapanghamak na text nya. Hinihintay ko po ang public apology ni Cristine.

Sabihin niya sa publiko na ang mga sinabi niyang paninira sa akin ay hindi totoo. Aminin niyang siya ay nagkamali at saka siya humingi ng tawad. Kapag nagawa na niya iyon, marahil ay maaari na kaming mag-usap upang maibalik ang dati naming relasyon na siya mismo ang sumira. Anumang sugat ay napaghihilom ng panahon. Subalit ang pagpapatawad ay ibinibigay lamang sa taong nagsisisi at humihingi ng tawad.”

Ara Mina Cristine Reyes Mother

Ara Mina and Cristine Reyes' Mom

Latest: