Who Raped Snooky Serna Part 2

May part two ang kuwento ni Snooky Serna tungkol sa aktor na nang-
abuso sa kanya noong 14 years old siya.
Ikinuwento ni Snooky sa reporter na si Archie de Calma na virgin pa
siya nang maranasan niya ang pang-aabuso ng aktor.
Nagalit pala si Snooky dahil sa sinabi ng lalake sa isang interview
na pinakasalan nito ang babae dahil ito ang karapat-dapat.
The who ang aktor? Ma at pa! Hindi sinabi ni Snooky ang name ng
kanyang rapist dahil blind item ang kanyang pagkukuwento.
Si Albert Martinez lang ang alam ko na naging boyfriend ni Snooky
noon pero nag-deny na siya dahil 16 years old at hindi raw 14 years
old si Snooky nang magkaroon sila ng relasyon.
May mga nagsasabi na baka si Gabby Concepcion ang tinutukoy ni
Snooky dahil sa kuwento nito na hindi na siya naghabol nang
magpakasal ang aktor porke nabuntis nito ang kanyang girlfriend. Eh
buntis si Sharon Cuneta nang pakasalan siya ni Gabby sa Manila
Cathedral. Nahimatay pa nga siya dahil sa sobrang dami ng tao at sa
init sa loob ng simbahan.
So, sino ang suspect? Si Albert ba o si Gabby? Teka, ire-refresh ko
muna ang aking memory dahil hindi ko matandaan kung naging girlfriend
ba noon ni Gabby si Snooky.
Pero kung sinuman siya, ma at pa talaga! Basta ang alam ko, dead na
ang karakter ni Snooky sa La Vendetta at puwedeng gusto niyang
ipaghiganti ang pang-aabuso sa kanya noon kaya nagkukuwento na siya
sa mga reporter. Ang La Vendetta ni Snooky!
Related Posts:
Who Raped Snooky Serna?







