Yet another Wowowee incident

May 21, 2008 · Filed Under ABS-CBN, Willie Revillame, Wowowee · 8 Comments 
I would like to highlight a comment made by Jeddah Boy in the comments section of this blog on the article, Pharmacists angry at Willie Revillame. If anyone has a video of this incident pls. comment below. Thanks..

Mga kabayan, itong buwan ng Mayo may isang housewife ang muntik ng nanalo ng bigtime bayong sa wowowee na may laman na 1 Million pesos,1 house and lot at 1 sasakyan. Ang kawawang housewife ay “pinilit” na magpalit ng desisyon ni Willie.

Ang housewife na ito ay desididong makuha ang laman ng bayong kaya laging bayong ang sigaw nya na nahalata naman siguro ni willie kaya ganun na lamang ang pilit nya na magbago ng desisyon ang kawawang ale.

Dahil sa “kakapilit” ni willie, nalito ang ale at sinabing pera na.Pag kasabi ng “pera na” ng ale, dali-daling tinapos ni willie ang tawaran at binuksan na kaagadang bayong na may lamang bigtime papremyo!Nanlambot ang kawawang ale dahil alam nya na di sya talaga bibigay sa sigaw nyang ” bayong, bayong” kundi lang napilit ni willie! Isinasauli pa nga nung ale ang pera dahil hindi nya lubos matanggap ang nangyari sa kanya.

I am sure sinusumpa nya si Willie hanggang ngayon! Marami ng beses itong ginawa ni willie sa nakalipas na panahon sa wowowee. Pag ayaw nilang papanalunin ang tao, pilit na tatarantahin ang kawawang contestant at hindi titigilan hanggat di magbago ng desisyon. Pag nagbago naman ng desisyon, isasara na kaagad ang tawaran, di ba obvious na panaloloko yun?

Halata din na namimili lang sila ng gusto nila manalo at madalas itoy base sa mga okasyon na kailangan nila ng kasikatan. Dapat imbestigasyunin ito ng Senado at dapat magkarron ng malinaw na guidelines sa mga palarong ganito. Sino man ang makabasa nito, sana maiparating nyo ito kay Joey de Leon, dahil sya lang ang may lakas ng loob na ibulgar ang pandaraya ng Wowowee sa mga kawawang tao. Ginagamit ni willie ang mga mahihirap para sya ay sumikat,pero at the same time dinadaya naman sila!

Comment from Pharmacists angry at Willie Revillame, 2008/05/20 at 10:27 PM

Another Wowowee Scandal

August 26, 2007 · Filed Under Eat Bulaga, Willie Revillame, Wowowee, joey de leon · 39 Comments 
Another controversy rocks Wowowee when the following incident occured last Monday. The Movie and Television Review and Classification Board(MTRCB) was inundated by complaints from viewers. The said incident happened in their newest segment Wilyonaryo Jackpot. The said segment was launched last Saturday but it was only a Celebrity Edition and the actual game for studio contestants was conducted last Monday, August 20.

Isang nagngangalang Weng ang naging contestant ng nasabing palaro kung saan ang mismong host na si Willie Revillame ang umistima rito para sa mala-pera o bayong na larong tinawag nilang Wilyonaryo Jacket. Para itong laro na pinball dahil papipiliin ang contestant ng isang wheel na may kulay at doo’y papahulaan kung nais ba nito ang `Wilyo-naryo’ o `Winame.’ Kapag pinili ang Wilyo-naryo, may tsansa ang con-testant na manalo ng P2 mil-yon; P1 milyon o P500,000 at bahay at lupa.

Kapag Winame (Uwi na ko) naman ang pinili, ibig sabihin ay tatanggapin na lamang nito ang alok na pera ni Willie at uuwi na lamang ang contestant. Noong nakaraang Lunes, pinili umano ni Weng ang `Wi-name’ kasama ang P100,000 na alok ni Revillame, bukod pa sa napanalunan nitong P37,000 sa `elimination round’ bago ang jackpot round.

Hindi naman nabigo si Weng na maging tama ang pasya dahil ang pinili nitong kulay puting wheel ay naglalaman ng 0 na ibig sabihin ay kung ito ang pinili, tiyak na bokya o uuwi siyang luhaan. Tulad ng patakaran sa iba’t ibang game show, sisilipin kung nasaan ang `jackpot prize’ at sinabi ni Revillame na ito ay nasa kulay lilac o violet na wheel.

Nang aktong bubuksan ng kontrobersiyal na host ang nasabing `wheel,’ lumabas umano rito ay 0(zero). Narito ang pinakahuling bahagi ng transcript na nang-yari sa kanilang pagkaka-buko: Mariel Rodriguez: Ayon walang laman. Willie: Mali , Mali , Mali . Sandali. Ang P2 milyon ay (habang binubunot sa likod ng wheel) eto pala. Mariel Rodriguez: Hawak mo pala Pappy. Willie: Ayon hawak ko pala, Alright ayan po ang P2 milyon,2,000, 000.

Dahil sa nasabing insi-dente, nabuko na dalawang uri ng papel o `film’ mayroon ang `jackpot’ wheel ng nasa-bing palaro kung saan ay maaari nilang gawing milyon ang zero na numero o gawing zero ang milyon na numero. Bukod dito, reklamo ng mga nakasaksi sa panonood, nagtataka rin sila kung bakit nasa likod lagi ng `wheel’ ang kamay ni Revillame.

Ang naturang pagkakabuko ay nai-record ng ilang `televiewers’ at anumang araw mula ngayon ay ipadadala nila ang kopya ng CD nito sa tanggapan ni MTRCB chairperson Ma. Consoliza Laguardia na inaasahang magpapatawag ng imbesti-gasyon hinggil dito. Karamihan sa mga na-tatanggap na sumbong ng MTRCB ngayon ay mga subscriber mismo ng The Filipino Channel (TFC) ng ABS-CBN sa iba’t ibang panig ng mundo.

Here’s the actual video:

F3c00WTclN0

Next Page »

  • Search

    Custom Search
  • RSS

    Entertainment & Lifestyle - Top Blogs Philippines

  • Philippine Star SUPREME
  • Recent Comments

  • Showbiz Archives

  • Digxa shopping comparison site. Dig for the best price on products worldwide.
    Get This Widget
    shopping cart software
pageTracker._initData(); pageTracker._trackPageview();