Andrew Schimmer harassed by gays
“Kasama ko, that time, si Andrew Wolff at Jay Aquitania. Pero, tinyempuhan ako ng gay na yun, na napalayo ako sa grupo. Tinanong niya ako kung pumapayag ba ako sa ganoon, kasi raw, type na type niya ako.
“Sa akin, hindi ako basta mau-offend. Sasabihin ko na lang, in a nice way, na nagkakamali siya ng nilalapitan. I have made my point clear kaagad.
“Sa umpisa pa lang kasi, nag-o-offer na siya ng drinks. Sabi ko naman sa kanya, we’re fine. Nice nga ako sa kanya. Kaya lang, napikon ako noong sinundan pa niya ako sa comfort room,” napapailing si Andrew.
Sa may pinto ng CR, naroroon pa yung guy at kinukulit siya.
“Tinatanong niya ako kung magkano raw ba talaga at handa siyang magbayad,” kuwento ni Andrew.
“Ibang usapan na yun. Bukod sa makulit na siya, ang dating talaga, nambabastos na siya. I called the attention of the bouncer. E, medyo nakainom kami bago nagpunta sa Embassy, at talagang uminit na ang ulo ko.
“Sabi ko sa bouncer, ilayo sa akin ang bading na yun at baka kung ano pa ang magawa ko. I have nothing against gays na nagkakagusto sa mga lalaki, kasi, in some points, compliment ang dating sa akin kapag may mga gay na nagpaparamdam ng kanilang paghanga.
“Ibang usapan na kasi kapag may bastusang nangyayari. Tinanong pa ako ni Tim Yap doon kung ano ba raw ang problema, at sinabi ko nga na ganoon. Pinaalis naman ng bouncer yung makulit na gay.”
Andrew Schimmer also recalled an incident in Boracay in which a gay guy also harassed him by pretending to be his classmate and telling his friends that something “already happened” to them.
“Pinipilit niyang kakilala niya ako, from first year hanggang maka-graduate, classmates daw kami. Imposible yun, sabi ko. Kasi, hindi ako nakatapos ng college. Pagkatapos ng first semester ng first year, hindi na ako nakapag-enrol.
“Sinasabi pa nga raw na may nangyari raw sa amin. Pikon na pikon ako. Kinakantiyawan ako ng mga kasama ko, baka nga raw kilala ko.
“Gusto ko na talagang upakan yung guy, pero, inilayo na lang ako ng mga kasama ko at iniiwas ako sa gulo.









