Dino Imperial kiss scandal
Here’s the TEMPO story and like the stories that made the rounds of tabloids and newspapers, smack lang daw, and this is not the first time na dinedeny ang story, as if there was no picture to prove.
Dino Imperial scandal is no scandal
by Rowena Agilada
Kasama si Dino Imperial sa mga April celebrators na ipina-presscon ng Star Magic. He turned 20 last April 9 at isang bonggang foam party celebration ang ginanap sa Prince of Jaipur sa The Fort, Taguig City. Ani Dino, talagang nag-effort siyang gastusan ang kanyang birthday party dahil namaalam na siya sa pagiging teenager.
Puno ng foam all over the place na talagang wet and wild ang kanyang well-wishers na mostly ay close friends. Special guest ni Dino ang kanyang non-showbiz girlfriend. Aniya, some of his friends took pictures at ipinost ang mga ’yon sa kanilang personal blog spots. May ilang nag-lift ng pictures at nire-post ang mga ’yon bilang “The Dino Imperial Scandal” sa internet.
Kasama du’n ang picture na naghahalikan sila ng kanyang non-showbiz girlfriend. Pero ayon kay Dino, smack lang ’yon. May mga shots na partying moments at may isang nakahiga si Dino sa sahig in a sea of foam. “It was all fun. Nag-enjoy lang kami at wala akong dapat ikahiya,” ani Dino.










