Tough Ten - Annabelle Rama and Eddie Gutierrez
Tough Ten Question No. 10: Ano ang isang bagay na pinakaayaw n’yo sa isa’t isa at bakit?
Eddie Gutierrez: “Ako, ang unang ayoko kay Annabelle ay yung nagseselos siya sa mga bagay na hindi nangyayari. Nag-i-imagine siya na may nangyayari, pero wala pang nangyayari. Yun.”
Annabelle Rama: “Alam mo Boy, ang lalaki never naman talagang umamin, di ba? “Maski nahuli mo na, hindi pa rin totoo yun. Ang ayoko lang sa kanya yung pag gabi na laging pinapatay ang cell phone. Hindi ko siya makontak. Lately lang ‘yan, ha. Hindi ko siya makontak. Tapos pagdating sa bahay, siya pa ang galit. Itatapon ang cell phone, tapos sasabihin, ‘E, sira naman ang cell phone na binibigay mo sa akin, e!’ Samantalang bago siya umalis, hindi naman sira.”
Tough Ten Question No. 9: Para kay Eddie, bukod kay Annabelle at kay Ruffa, sino ang pinakaseksing babae dito sa Pilipinas para sa iyo?
Eddie Gutierrez: “Pinakaseksi dito sa Pilipinas… ngayon o noon?” Ang pinakaseksi ay si a…. Ewan ko, wala akong… Lately, hindi kasi ako tumitingin sa mga seksing babae, e. Kung noon, si Annabelle Rama.”
Annabelle Rama: “Bukod sa akin, sino, Eduardo?”
Eddie Gutierrez: “Wala na!”
Tough Ten Question No. 8: Para kay Eddie, ano ang isang bagay na ginawa ni Annabelle na nagpatunay sa iyo kung gaano ka niya kamahal?
Eddie Gutierrez: “When I got sick, 24 hours siyang nasa tabi ko. Iyon, doon ko nakita na talagang mahal na mahal ako ni Annabelle.”
Annabelle Rama: “Mali ka darling, hindi 24 hours. Four days hindi ako umuwi ng bahay. Nasa iyo lang ako.”
Tough Ten Question No. 7: Para kay Annabelle, sa lahat ng babaeng na-link kay Eddie, sino ang pinakapinagselosan mo at bakit?
Annabelle Rama: “Lahat naman sila pinagselosan ko. At yung pinakagrabe yung sinabunutan ko sa Greenhills. Ang masama pa, hindi siya sikat, starlet. Kaya I cannot mention her name. At saka halos lahat naman sa showbiz noong araw, naging girlfriend naman ni Eddie, halos lahat. Kaya lahat sila pinagseselosan ko.”
Tough Ten Question No. 6: Para kay Eddie, ano ang pinakamalalang nagawa ni Annabelle dahil sa pagseselos sa iyo?
Eddie Gutierrez: “Yun nga yung binanggit niya na nakipag-away siya sa may Greenhills. Nakita ko gumugulung-gulong sila sa sidewalk. Nakikipagsabunutan… nagsisipaan… nagtatadyakan sila. Yun ang isa na sa pinakagrabeng nakita ko sa kanya.”
Annabelle Rama: “Actually, Boy, nagsisisi nga ako kung bakit ko ginawa yun. Kasi hindi pala worth it. Nasisira ang pangalan ko, e.”
Tough Ten Question No. 5: Sino ang pinakamayaman sa inyong mga anak?
Eddie Gutierrez: “Well, actually, lahat sila meron silang kanya-kanyang katangian. Si Ruffa, she has been working since she was 13 years old. So, marami rin siyang naipon at marami rin siyang investments. At ngayon naman si Richard dahil maganda ang naging takbo ng career niya…”
Annabelle Rama: “Masipag naman ‘yan, Boy, e. Lahat ng mga anak ko masipag. Nagmana kay Eddie, workaholic lahat sila. Ayaw tumigil, maski umaga na, sige pa rin. Kaya sila nakapag-ipon kasi marunong sila. Hindi naman sila makunat. Marunong silang mag-ano sa mga pera nila. Kaya lahat sila mayaman.”
Tough Ten Question No. 4: Ano ang pinakamatinding problemang hinarap ninyo na muntikan n’yo nang ikahiwalay at bakit?
Eddie Gutierrez: “Alam mo, Boy, madalas kaming maghiwalay ni Annabelle, e. “Minsan maliit na bagay naghihiwalay kami. Pero palagay ko, yung tindi ng selos niya na madalas na nagihiwalay kami. Pero after a while, nag-uusap kami. Hindi yung katulad ng ibang naghihiwalay na forever na. Kami, naghihiwalay kami pero sometimes we sleep in the same house. Yun lang, minsan doon siya natutulog sa salas, at ako naman sa kuwarto.”
Annabelle Rama: “Pasalamat ka, mahal na mahal kita. Kung hindi matagal na akong nawala sa ‘yo!”
Tough Ten Question No. 3: Para kay Annabelle, sa lahat ng na-link at nakarelasyon nina Ruffa at Richard, kanino ka pinakaboto at bakit?
Annabelle Rama: “Actually, sayang nga wala pang relasyon ngayon, si KC (Concepcion), e. Si KC yung nakikita kong babae na pangarap ko para kay Richard. Unang-una, masipag, maganda, workaholic katulad ni Richard at saka marunong sa buhay. Yun talaga ang babaeng gusto ko para mapangasawa ni Richard. Si KC, nagmana siya sa nanay niyang (Sharon Cuneta) mabait. At hindi plastic. Yun ang gusto ko.
“Kay Ruffa naman yung pinapangarap ko sa kanya, sana ‘yon na si Yilmaz [Bektas]. Ang problema lang kay Yilmaz nananakit, yun lang yun. Pero nakita ko… Si Yilmaz kasi, ano siya as a father, as a husband, yun ano… very protective siya kay Ruffa. Talagang magaling siya para kay Ruffa. Maliban doon, kung hindi lang sana siya nananakit, perfect sana siya para kay Ruffa.”
Tough Ten Question No. 2: Sino sa inyong mga anak ang pinakapaborito ninyo at bakit?
Eddie Gutierrez: “Ang paborito ko, siyempre si Ruffa. Kasi she’s the only girl in the family. At siyempre, siya ang eldest sa mga anak ko kay Annabelle. So, talagang si Ruffa ang paborito ko.”
Annabelle Rama: “Actually, ang malambing sa akin si Richard. Yun talaga ang ano…yun talaga ang nakikita ko noong magkasakit ako. Doon siya natutulog at saka worried na worried siya sa akin. Maya’t maya text nang text. Malambing siya. Pero mahal ko rin si Elvis. Kasi si Elvis, mabait din katulad din ng daddy niya. Ang kaibahan lang kay Elvis, kulang sa lambing. Talo siya ni Richard. Si Richard ang pinakamalambing at pinakamabait sa mga anak ko.”
Tough Ten Question No. 1: Ngayong taon, kapwa kayo nalagay sa kritikal na kondisyon. If today is the last day of your lives, ano ang bagay na ihihingi n’yo ng tawad sa isa’t isa?
Eddie Gutierrez: “Well, ako noong araw, inaamin ko na marami akong naging girlfriend noong kasal kami ni Annabelle. Yun ang ihihingi ko ng tawad kay Annabelle.”
Annabelle Rama: “Ako naman, ang ihihingi ko ng tawad sa kanya, sabi ko, ‘Patawarin mo ang bunganga ko, maingay, at lagi akong nagseselos sa ‘yo. E kasi kung hindi kita mahal, hindi ako magseselos sa iyo.’ Basta lahat ng nakasakit sa aming dalawa, lahat napag-usapan na namin. Nagawa na namin ‘yon.”
Ruffa Gutierrez needs your Prayers
Ruffa Gutierrez is going through rough times. Actually, not just Ruffa but the entire famous Philippine Showbiz clan, the Gutierrez’es. Her dad, veteran actor Eddie Gutierrez collapsed and was timely saved by an angioplasty procedure. Her mom, the feisty Annabelle Rama has long been diagnosed with myoma in her stomach and is to be operated today at the Asian Medical Center in Alabang.
“Magkakaroon kami ng Holy Mass sa room niya with Fr. Joey Faller officiating. Sa Saturday, habang ginagawa ang procedure sa kanya, magkakaroon kami ng prayer meeting sa room ni Mommy, dadalhin naman ng boss ko, si Ola Espiritu, ang pastor namin.
Na-touched nga ako noong nasa hospital pa si Daddy. Nag-prayer meeting din kami sa room niya, nakita ko si Mommy na nagdasal din siya. Dati kasi, lagi niyang sinasabi na as a Catholic, sa Catholic lang siya. But in times talaga na ganoon, sa Kanya tayo kakapit,” said Ruffa Gutierrez who converted to being a Born-Again Christian from being a Muslim.
In life, dumaraan talaga tayo sa pagsubok, walang perfect sa buhay. Kaya noong nasa hospital si Daddy, I’m thankful na nandoon sina Kuya Tonton (Gutierrez) at Kuya Monching (Ramon Christopher) dahil nasa States nga sina Richard. Ako naman ang taga-update sa kanila kung ano ang nangyayari kay Daddy. Kung during happy times ay magkakasama kami, mas naging close kami nang dumating ang trials na ito. What’s important ngayon, okey na si Daddy at si Mommy naman, gagawin na rin ang procedures sa kanya.”










