Sunshine Cruz subject of hate emails by sister of Cesar Montano
Sunshine Cruz is particularly riled at Ched “Marimer” Manhilot (married to an Italian), sister of Cesar Montano based in Italy who she said has been spreading malicious rumors about her.
“Hi friend… I’m issuing a written statement this Saturday for StarTalk. They are doing a story on what’s happening and what is being done to destroy me and my family by my own sister-in-law with the help of my stepdaughter (Angela Montano).
“Too much na friend and what hurts is the fact that Cesar [Montano, Sunshine's husband] is not protecting his family from his sister at all. I need to do something before they totally crush me.
“It’s been years that I kept quiet for Cesar. I was told by someone that hate e-mails for years about me were being sent to writers and TV stations. They now realize who is spreading the hate mails.
“From the suicide death of Cesar’s cousin pinpointing me to be the cause, to pocketing campaign money of Cesar, to having an affair with another guy… Lahat yun kinakalat sa TV at press ng isang taong matagal nang gustong sirain ang pagsasama namin ni Cesar at sirain ang kinabukasan ng mga anak ko…”
“Kailan lang kasi ako nag-log in uli sa Friendster,” Sunshine related. “May mga kamag-anakan kasi ako sa ibang bansa na nagpi-Friendster, at marami nga silang nababasa tungkol sa akin. They gave me an idea about the bad things being circulated about me. Kaya I wanted to find out for myself.
“Hindi mapakialaman ng sister-in-law kong si Ched ang Friendster account ko dahil banned siya. Noon ko pa alam na siya ang nagkakalat ng mga paninira sa akin, pero pinagtitiisan kong lahat yun, alang-alang sa asawa ko.
“Alam ng Diyos kung paano ko pinakisamahan ang pamilya ni Buboy. Iniisip-isip ko hanggang ngayon kung ano ba ang malaking kasalanan ko sa kanila para gawan nila ako ng ganito,” himutok ni Sunshine.
“Kaya kong tiisin ang lahat ng ‘yan, ang mga paninirang ikinakalat ng pamilya ni Cesar sa akin, dahil mahal ko siya. Pero na-realize ko, siya na mismong asawa ko, deadma lang at walang ginagawa para protektahan ako at ang mga anak ko sa mga ganitong klaseng paninira sa akin,” Sunshine said sobbing.
Cesar Montano, Sunshine revealed only replied, “Basta, ang nai-text pa niya sa akin, ‘Kasalanan mo ‘yan dahil nakipag-away ka sa kanila!’ when she related the incident to him.
Masakit ang balik ng mga salitang yun dahil hindi totoong nakikipag-away ako sa mga kamag-anakan niya. At kung may problema man kami, wala silang karapatang yurakan ng ganoon ang aking pagkatao, at kapag naaapektuhan ang mga anak ko ng ganito, lalaban na ako,” Sunshine further said.
“Alam ni Cesar na ipinaglaban ko siya sa mga magulang ko noon dahil ayaw nila sa kanya, pero pinakasalan ko pa rin siya. Bakit hindi niya magawa sa akin yun ngayon sa mga kamag-anakan niyang sumisira sa akin?
“Nakikipag-usap na talaga ako sa lawyer ko. May nilapitan pa akong isa pang lawyer sa pagsasampa ko ng annulment case. Through these years, sinira nila ang buhay ko. I have to fight back, for the sake of my children,” Sunshine ended still sobbing.








