Top

StarStruck Next Level Hotties

by Boy Lopez


Sa Bohol, nagsimula ang nationwide tour ng Danger 8 ng
StarStruck 4 The Next Level. Nagpunta din sila sa CSI Mall sa La
Union nung March 8, then sa CSI Mall sa Dagupan. Bibisita rin
sila sa SM Davao sa Mar. 12, SM Cebu sa Mar. 13 at SM Iloilo sa Mar.
14.

After the nationwide tour pa malalaman ang papasok sa Final 6.

Nag-guest director si Maryo J. delos Reyes for one week at
positive at nakakatuwa ang comment niya sa lahat. May intensity si Aljur Abrenica at leading man material. May character naman si Prince Stefan at parang si Jim Carrey. Mukha raw anime si Paulo Avelino at pambida si Mart Escudero bukod sa may height.

Gustong manalo ni direk si Prince Stefan dahil very prolific ang
story. “He’s too candid, very rich ang character. Masyadong
maraming angst sa buhay na dapat gamitin sa pag-arte. Wala rin siyang takot kahit baluktot ang Tagalog.”

Ultimate Hunk si Mart Escudero at Ultimate Love Team sina Rich Asuncion at Aljur Abrenica.

pixel StarStruck Next Level Hotties

For more of the latest and hottest entertainment news and gossip, follow and like getitfromboy.net on Facebook, Twitter and Google+
=> <=
Bottom