Marian Rivera Slams Heart Evangelista and Mother

Marian Rivera

Marian Rivera

In the presscon of Temptation Island, Marian Rivera shed light on the rumors surrounding confrontations with Heart Evangelista during the shooting in Ilocos Norte and at NAIA with Heart’s mom, Mrs. Cecille Ongpauco, owner of Barrio Fiesta restaurant chain.

Marian Rivera: “Alam nyo, sa totoo lang din, ayokong mapag-usapan to dito dahil bilang respeto sana kila Mother, sa GMA, dahil ang ano kasi… Di ba, kapag pelikula, dapat puro positive ang pinag-uusapan? Pero hihingi din talaga ako ng dispensa na may mga ganitong issues, di ba? Pasensiya na. Pero bilang naungkat na yan, ang pagkakaalam ko kasi, at hindi lang din naman ako; lahat ng cast, staff and crew, pati yung direktor–maayos kaming lahat. Sobrang nag-usap kami, naging okay kaming lahat… Sorry, ida-drop ko yung name ni Lovi, pero nandun siya. Nag-usap kami, wala naman kaming pinag-awayan. Wala talaga. And hindi kami nag-away, walang anything na nangyari. Yun na nga lang, pagdating doon sa airport, nagulat ako.”

Reporter: “Kung sinasabi niyang walang away na nangyari sa pagitan nila ni Heart, bakit may ganung insidente sa airport? Nagkaroon ba sila ng pagtatalo ni Heart?”

Marian Rivera: “Walang away na nangyari, yun talaga ang totoo. Siguro misunderstanding ng magkaibigan. Pero sa nangyari don sa airport, parang hindi yata niya ako kaibigan. “Parang nagulat lang ako na bakit nagkaroon ng ganun, e, pag-alis namin galing Laoag, maayos kaming lahat, masasaya kaming lahat. So, medyo nagulat lang din ako na pagdating ko ng airport, may mga ganung nangyari. Na kahit ako, parang na-shock ako na… Buti nandun si Lovi sa tabi ko para i-comfort niya ako sa mga nangyari… Alam nyo na yon kung ano ang nangyari.”

Reporter: “Wala bang ginawa si Heart pagkatapos ng insidente? Nagkausap na ba sila tungkol dito?

Marian Rivera: “Hindi, hindi kami nagkita, hindi kami nag-usap. Wala talaga. Yun ang point don, e, akala ko kasi maayos kami. Yun pala hindi para sa kanya. Nagulat lang din ako.”

Reportera: “So, hindi na-settle ang isyu sa kanila bago umalis si Heart papuntang Brazil?

Marian Rivera: “Hindi, okay kami. Yun ang ipinu-point ko maayos kami. Wala ngang issue, walang away na nangyari. Nagulat na lang ako na pagdating dito, ganun ang nangyari.”

Reporter: “Masama ba ang loob niya? Na-trauma ba siya sa bodyguards, na sinasabing dala-dala ng mommy ni Heart nang sunduin nito ang anak sa airport?”

Marian Rivera: “Next time, kung 15 ang dala nila, ako siguro mga isandaang bakla ang dadalhin ko para ipagtanggol ako! Kasi ang hirap din magbuhat ng sariling bangko na eto ang nangyari, ganito ang nangyari. Siguro itanong nyo na lang yan sa mga cast, sorry, ha sa cast na nandoon, mga crew na nandoon. Sila mismo ang magpapatunay kung ano talaga ang nangyari. Kung ano ang ginawa ko at kung ano ang ginawa nila.”

Reporter: “Ano ang nararamdaman niya ngayon?”

Marian Rivera: “Sa nangyari sa airport? Laking pasasalamat ko sa Diyos na pinalaki ako ng lola ko na may respeto sa nakatatanda sa akin.”

Reporter: “Ano ang misunderstanding na nangyari sa kanila ni Heart?”

Marian Rivera: “Eto talaga ang punto diyan, ha. Alam ni Lovi yan, wala talagang nangyari. At hindi ko lang alam kung bakit lumabas na may nangyari. Dun ako naguguluhan. Ang saya-saya naming nagsu-shooting don. Nag-bonding kami. Nakilala ko nang mabuti si Sweet, si P-chi, si Lovi, si Solenn bakla rin pala…Alam mo yung ganon, na ang saya-saya namin, na bigla na lang nagkaroon ng ganoong isyu. Pagdating dito sa Manila, nangyari nga yong hindi ko inaasahan. Hindi lang ako, lahat kami na-shock talaga.”

Reporter: “May kinalaman ba rito ang isyu na sinabihan daw siyang bobita at hindi raw siya marunong mag-Ingles?”

Marian Rivera: “Hindi naman don nanggaling, e. Hindi mo naman maku-control yung mga tao kung ano ang gusto nilang sabihin sayo. Pero siguro kung nabalitaan nyo yan, nabalitaan ko din yan, pero dinedma ko na lang. May mga ganon talaga na nagsabi, isang fan niya (Heart) yata or whatever. Okay lang. Kasi ang importante sa akin, dapat maayos kaming dalawa. Na akala ko maayos kami, yun pala, para sa kanya hindi. So, nakakapagtaka lang kung bakit nangyari yon, bakit nila ginawa sa akin yon.”

Reporter: “Ano nga ba talaga ang nangyari sa airport noong June 13?”

Marian Rivera: “Marami namang tao ang nandoon, pero siyempre naiintindihan ko naman sila kung wala silang masabi o wala sila talagang nakita. Pero ayoko na lang mag-focus sa isyu na yan, kung ano ang nangyari sa airport. Ang dami namang nakakita, so sila na lang yung magkuwento kung ano yung nakita nila doon.”

Reporter: “Pero sinigawan ba talaga siya ng mommy ni Heart?”

Marian Rivera: “Itanong nyo na lang sa mga nakarinig at nakakita.”

Rufa Mae Quinto: “Hindi ko alam, Marian, kung nasabi ko na sayo… Basta ang alam ko noon, sabi niya (Heart), lima lang naman daw yung bodyguards. So, kumbaga, kung naging 15, hindi na nila kilala yon…nakipag-picture lang daw yung ibang pulis sa kanila. Kaya dumami yung eksena. Naging todo-todo yung eksena!”

Lovi Poe: “I’m sorry, I don’t mean to butt in, but I think it’s best na we don’t talk about it now because both parties are not here to defend themselves. So, I think na huwag nang pag-usapan.”

Reporter: “Dahil sa nangyari, nagsisisi ba si Marian na kinumbinsi pa niya si Heart na gawin ang Temptation Island?”

Marian Rivera: “Sa inyo na nanggaling yan, ako ang nagkumbinsi sa kanya na gawin niya to at inaalalayan ko siya, hanggang kaya ko siyang ipagtanggol kapag nagsusumbong siya sa akin, ginagawa ko yan. At walang nangyaring away at kung anumang sinasabi na nangyari sa amin don sa Ilocos. So, doon pa lang mapapatunayan nyo na kung ano ang nangyayari dito at paano ang punto nito. So, pinagsisisihan na? Nakakapang-ano lang, parang…Kasi akala ko kaibigan ko siya at walang nangyari sa amin, yun pala hindi. So, yon lang. Hindi ko kawalan.”

Reporter: “Walang pagsisisi, pero merong konting panghihinayang?”

Marian Rivera: “Wala, kasi ang hirap, e, parang… Si Lovi, siya (Heart), kaibigan mo, nagsusumbong sayo, ipinagtatanggol mo, alam mo yung ganon?”

Marian Rivera then said crying: “Tapos biglang gaganituhin ka na hindi mo alam kung anong dahilan na gusto niyang gawin sa akin. Parang ang hirap lang tanggapin na isa ako sa mga nagtatanggol sa kanya. Alam ng lahat ng cast… Kapag may nangyayari sa set, kahit maliit na bagay, nalalaman ng lahat ng buong cast, staff, crew, director, pero bakit sila, wala silang alam? Ibig sabihin talaga, malinaw na walang nangyari. Yun nga lang, pagdating ng airport, may nangyaring ganun, na hindi ko rin maintindihan. At kahit isa man sa amin, walang maipaliwanag kung bakit nila ginawa yon. Then Marian said in jest: “Sa set, natuto na ako… Magdadala ako ng mga isang daang bakla na bodyguards ko… Malalaki ang katawan, ha!”

Heart Evangelista, who is in Brazil with boyfriend Daniel Matsunaga answered on her Twitter, she tweeted: “why is it so unfair? too much.someone …please do something if not i will have no choice. i may not be on the same page with mom 90% of the time but she is my mother so stop bashing her. if any lie is said..with your info displayed then you will get what you deserve.sobra na po talaga.totally not fair anymore. this will be the last time i will tweet about this negative vibe.iam on vacation and having a nice time and all i ever wanted was to finally laugh since all i did was be silent and cry.tama na po.lets not be unfair.god bless and peace to all.”

Heart’s mom is also abroad but not in Brazil with Heart.

This Marian Rivera and Heart Evangelista (and her Mom) feud is taking place right smack in the promo of their movie, Temptation Island, which is showing on July 6 in theaters nationwide. Lovie Poe rightly said it in the Temptation Island, the press and Marian Rivera should just talk about their movie Temptation Island, rather than the other two involved, Heart Evangelista and her Mom, because they are not there. Marian Rivera star continues to shine with her Facebook fans reaching more than the one million fans mark.

Loading...

Latest: