Top

Joross Gamboa and Victor Basa bimales

Uso na pala ngayon ang tinatawag na bi-male. Sila yung mga lalaki na pumapatol din sa kapwa nila lalaki pero may mga girlfriend din.
Joross Gamboa shirtless Joross Gamboa shirtless
Karamihan sa kanila ay yuppy o estudyante from college. Guwapo ang kanilang mga itsura at aakalain mo talagang mga straight guy sila, huh!

Kaiba sila sa mga tinatawag noon na macho gays — mga lalaking macho ang katawan, pero bading pala. Iba rin sila sa mga screaming f@gs o ladlad na bading na nagdadamit babae.

Sa bagong episode ng Your Song na magsisimula on May 4 featuring the song of Erik Santos na Without You, tungkol sa mga bi-male ang tema. Bida rito sina Joross Gamboa at Victor Basa.
Victor Basa in swimming trunks
Hindi sila mga ladlad na bakla. In fact, guwapo sila at lalaking-lalaking pumorma pero nagkagustuhan sila.

Naku, tanggap na kaya ng audience natin ang ganitong klase ng istorya sa telebisyon?

Si Joross ay sanay na sa gay roles. Kung hindi kami nagkakamali, pangatlong beses na niyang mag-protray ng gay role. But for him, ang role niya sa Your Song ay iba.

“Hindi ako ladlad dito kumpara sa mga nagawa ko na. Tago yung pagkabading ko rito,” kuwento pa niya.

Ganito rin ang papel ni Victor. “We act like a straight guy, pero na-in love kami sa isa’t isa. Si Joross yung para mas soft ang personality kesa sa akin,” kuwento naman niya.

Naku, hindi kaya lalong pagdudahan ang pagkalalaki ni Victor sa pagtanggap niya sa role niya sa Your Song?

“Secured naman ako sa gender ko kaya okey lang yung ganitong role playing sa akin,” tugon agad niya.

“Ako naman, medyo nalilito na ako sa gender ko. Ha-ha-ha! Hindi kaya bago matapos ang episode namin, eh, bumigay na rin ako?” natatawang sabi naman ni Joross.

Kasama rin sa Your Song Presents Without You sina Pinky Amador, Noel Colet, Lui Villaluz, Carla Humphries, Aloy Norona, Nina Dolino at Alex Gonzaga.

Search Showbiz Intriga? Get It From Boy!
Custom Search

Comments

?>
SEO Powered by Platinum SEO from Techblissonline
Bottom