Joey de Leon writes against Willie Revillame
Article has been viewed by 5 visitors so farEat Bulaga! host Joey de Leon, in his column in The Philippine STAR published August 9, 2009, presented a poem that he composed that depicts Willie Revillame which in Joey’s words is “arrogant, stupid, and unprofessional.” The latest Willie Revillame controversy involved his remarks against former President Corazon Aquino’s funeral cortege being shown side by side with his show, Wowowee and their previous tiff involving the COMPLAIN before you EXPLAIN scandal. Willie Revillame on his part has apologized over the incident and has gone on an indefinite leave from Wowowee since August 8. Here is the satirical piece that Joey De Leon wrote yesterday:
The funeral cortege of former Pres. Cory Aquino: My tears came naturally
Wala na sa piling ng mga Pilipino,
Tinig ng awiting Mga Kababayan Ko,
At lumisan na rin noong isang Sabado,
Inang nagpalipad sa awiting Bayan Ko.
Ako’y sumasaludo, paalam Pangulo,
May isa ‘kong lihim, kay tagal itinago,
Sa lahat nang inabot kong mga namuno,
Tanging ikaw lang sa luha ko’y nagpatulo.
Marami ang nalungkot sa iyong pagyao,
Magalang ang lahat at puno ng respeto,
Nagpasalamat pa nga Kapamilya sa ‘yo,
Dahil kanilang himpilan naibalik mo.
Subalit ano itong nabalitaan ko?
Nangyari noong Lunes, a-tres ng Agosto,
Habang inililipat ang mga labi mo,
Ika’y parang nabastos sa isang TV show.
At ang napakasaklap at masakit dito,
Ang nambastos pa’y kapamilya ng anak mo,
Napanood ito ng tao at publiko,
Kakaunti na nga, ngunit lahat nahilo.
Sabi ng TV host na mainit ang ulo
Pagkakita sa video na kanyang kasalo,
“Sandali, meron akong ano… sa’ting ano…
Hindi naman sa ano,” nagkaanu-ano!
Ayon sa Internet, meron pa s’yang nasambit,
“Sana pakitanggal muna ‘yan sa’ting traffic…”
At ‘di maaalis sa iyong pag-iisip,
Ang parada ng patay ang pinaliligpit!
At dagdag pa daw ng naghahari-harian,
“I don’t think na dapat n’yong ipakita iyan…”
Nasaan naman ang paggalang, o nasaan?
Mga sinasabi natin minsa’y pag-ingatan.
At ‘di pa nangimi nang sumunod na araw,
Pinilit pa ring ginawa n’ya ay tama raw,
Mga nakarinig ‘di na nakagalaw
At ayon sa iba sila na la’y napa-wow!
“… Pero ako, totoo ‘ko eh … “, sabi kuno,
Totoo nga at totoo ring walang modo,
Pwede namang sabihin itong pa-sikreto,
Kaya’t wala na rin mga paliwanag mo.
“Kung ganyan, pakita na lang ‘yan!”, ang hamon pa,
Para bang ang prusisyon nila-”lang – lang” lang ba,
Ang pangasiwaan ay pinapili pa n’ya,
Sumunod ang himpilan, nung August 5 wala s’ya.
May mga komentong pwede nang pang-harapan,
“On camera” baga sa TV ang tawag d’yan
At kung sensitibo man ang gustong bitawan,
Pagpasok ng commercial, hintayin mo na lang.
Matutong magbaba muna ng mikropono
At saka idikta lahat ng iyong gusto,
Lagi kang mataas lahat daw takot sa ‘yo,
Ratings lang ang mababa — totoo ba ito?
The breaking news breaks your heart — at ‘yan ang bawi mo,
Nang mahalata mong sumablay ang pasok mo,
Pero sigurado ika’y maa-abswelto,
‘Di ba ikaw rin ang may-ari ng network n’yo?
Nung Hueves nag-apologize sa diario naman,
O, akala ko ba wala kang kasalanan,
Tapos ng angalan, sunod paliwanagan —
COMPLAIN before you EXPLAIN ka na naman!
O ito kaya ay isa na namang “glitch” lang,
Tulad ng “two-zero” ‘di na natin nalaman,
O ito ay maliwanag na kabobohan?
Sa tingin ng marami, mahirap lusutan.
Ang sabi ng iba — istupidong mayabang,
At giit ng iba — istupidong mayaman,
Mayaman man o mayabang ang tiyak diyan,
Napakayaman n’ya sa kaistupiduhan.
Buti pa ang apat na honor guards ni Cory —
Sina Malab, Laguindan, Rodriguez, Cadiente,
Walong oras tumayo sa ulan at viaje,
Ang lahat ay tiniis at walang sinabi.
Samantalang ikaw na may bubong sa ulo,
Komportable ka lang sa malamig na studio,
Nang kapirasong libing sa TV sumalo,
Angal at inis ang sumambulat sa iyo.
Maaari din namang pabayaan na s’ya,
Subalit ang nangyari’y mabigat talaga,
Namayapang pangulo’y huling paalam na,
‘Di mo pa pinagbigyan … hoy, nag-iisa ka!
At nais ko lang sabihin at ipagyabang
Sa mahigit na s’yam na libong tanghalian,
Sa limang pangulong sa Bulaga’y dumaan,
Kahit isa wala kaming nilapastangan.




nice words from joey huh?? mukang pinagisipan.. honestly prang tama nmn tlg c joey jan… mapipikon n nmn c willie. well mukang malakas tlg kapit nyan ngaun lang kc sumikat ng ganyan… di lang nmn c Pres. Cory nabastos nyan, kahit ung mga staff nya on-air nababastos nya… akala nya cguro comedy bar ung show nya… hayz dame n nya intriga pero anjan p din xa. c willie kac sabe nya pang masa xa pero prang hindi. pansin nyo ba pag nanuod kau ng show nya gusto nya xa lang ang bida kea nga konti lang host nun eh… pasalamat xa edukado ang mga aquino at di tulad nyang may pinagaralan nga di nmn ginagamit…
good poem mr joey de leon, "dapat lang tangalin ang wilie'ng mayabang, dapat sya ang inilibing sa libingan. ang kapamilyang kanyang sinisilungan ay dapat lang syang palitan"
engr. melvin nomos
mdnomos331@yahoo.com
Ginoong Joey de Leon isa kang paham, matalinhaga ka't puno nang dangal….Sa iyong tinuran damdamin ng bayan ay nabuhayan, napagtanto-tanto na ang kanilang iniidolo ay isa palang tampalasan. Dakila ang iyong gawa, usigin ang mali at labanan ang hangal…Saludo ang inyong abang lingkod, dasal kay Bathala ay lumawig ang iyong buhay upang ang NAGDUDUNONG-DUNUNGAN at PALALO ay iyong mapigilan. MABUHAY PO KAYO…at sana'y makamayan ko kayo ng personal. PLARIDEL V. ABRIL 047 Green Valley Subd., San Pablo City
Joey de Leon mabuhay ka noon nanonood ako ng wowowee pero napansin ko na lang sobrang bastos ni willie sa staff at binabastos din niya ang mga contestant at pati sa co host niya . Dapat huwag na siyang payagang bumalik pa as host sa Abscbn. Mabuti pa sa eat bulaga dabarkads talaga may kanya kanyang parte sa show, hindi kagaya ni bastos wil sinosolo niya pappy talaga. Dapat magising na ang abscbn, kung sa akala ng abscbn si pappy wil kuno ang nag-akyat ng pera sa network si willie rin ang magpapabagsak sa inyo dahil sa walang modong taong yan. Mag-isip kayong mabuti huwag niyo na siyang pabalikin ang dami niyong artista na magagalang hindi siya malaking kawalan. mabuhay ang Eat Bulaga kaya nga 30 years na kayo di ba?
Willie had a point when he wanted the funeral to be off-air, or rather his show canceled and the funeral will be shown instead. Willie’s style of hosting wowowee is like a stand up comedian, he does it alone, unlike GMA where different hosts are paid to do the comedy thing, and its quite hard doing some punch lines while you knew that half of the tv screen, a funeral is being shown, its like, how the heck can i make people laugh when you knew something sad is being shown side by side, given that an effective joke takes skills and timing, yet with the circumstances, its just too hard. Part to be blame was the management for letting it aired simultaneously, and on Willie, his being so spontaneous, he could have wait for the commercial.
tanga nlang ang hndi pa nkkaalam na bastos tlga c willie!hndi b obvious,..ung mga audience pnplakpkan pa xa pg nngangatwiran xa ng mali,.mga uto uto b kau?mgcng n nga kau sa ktotohanan,..sa dmi n ng mga kontrobersya n knasangkutan nya,.nkkpgtaka bkt hanggang ngaun hndi pa xa npprusahan,… pera pera nlng b ang labanan?nsan na ang totoong katarungan? sna nman sa pgkkataong ito hndi n ntin palampacin ang gnwa nya…ska dun sa mga ngcocoment jan n piling close lng kmi sa mga aquino,..hoy!bruha kung hndi naibalik ang demokrasya ni hndi mo mggawang mglabas ng saloobin mo,..bnastos mo pa c pres.cory,..wla kng kwentang pilipino,..preho nga kau ng iniidolo mong c willie,.kya pla ipngttanggol u xa kc mgkaugali kau,.preho kaung bastos!!!
Ang galing mo talaga, Idol! Simpleng tula, pero malamang-malaman! 'Di na talaga dapat bigyan ng puwang ang ganitong klase ng aroganteng tao sa inyong industriya. Alam nating ang mga Pinoy ay madaling makalimot, magpatawad, pero sana naman, sa pagkakataong ito, sana naman, matuto na tayong huwag magpatawad sa mga hindi karapat dapat patawarin, kaya nga may batas, para naman, tumuluy-tuloy na ang mga utak natin sa pag-iisip ng tama, sa ikauunlad nating lahat…
nice words from joey huh?? mukang pinagisipan.. honestly prang tama nmn tlg c joey jan… mapipikon n nmn c willie. well mukang malakas tlg kapit nyan ngaun lang kc sumikat ng ganyan… di lang nmn c Pres. Cory nabastos nyan, kahit ung mga staff nya on-air nababastos nya… akala nya cguro comedy bar ung show nya… hayz dame n nya intriga pero anjan p din xa. c willie kac sabe nya pang masa xa pero prang hindi. pansin nyo ba pag nanuod kau ng show nya gusto nya xa lang ang bida kea nga konti lang host nun eh… pasalamat xa edukado ang mga aquino at di tulad nyang may pinagaralan nga di nmn ginagamit…
Mahusay. Diretso ang banat pero di bastos ang dating. He should listen to you. You have been through a lot too when you were a young host. I used to not like you too but honestly, I admire you now. Alam mo ang sinasabi. Matagal pa bago magkaganyan si Revillame.
i salute you joey!!!! si willie kasi puro yabang inintindi! for sure he won't listen to you and ipagpipilitan nya na tama sya. bobo kasi puro kayabangan ang nsa utak! wlang respeto sa ibang tao. palibhasa,wlng pinag-aralan. he's so proud of himslf pero sa totoo lng, wlng maipgmamalaki. maipgmamalaki ba ang pagiging napakawalang kwentang tao? pathetic creature!! he's a total non-sense! ewan ko b bkt may show pa ganyang klaseng tao? wlng respeto sa mga babae, sa ibang tao lalo na sa naging pangulo.. i soooo hate that pathetic shallow creature!!!! arrggghhh!!!!! more power to you and to EAT BULAGA! kung baga nga sa contestant ng wowowee… MARAMING SALAMAT SA EAT BULAGA!!! *lol* nakakahiya sila.mismong contestant nila, eat bulaga pa rin ang nsa isip at puso up to the last minute! o dba??? talbog sya! ligwak!!!! hahahaha!
two thumbs up t ur well-written piece mr. joey de leon. sail on…..
wag ng panoorin c willie revillame!
Palitan c wellie,,,,, ipalit si EDU mas magaling pa c EDu jan kay wellie, ok din magpatawa di bastos,,,
well si joey de leon yata iyan talagang magaling iyan kung sa magaling kahit na alam din naman natin na medyo bastos iyan pero nasa lugar naman at totoo kung magsalita samantalang si willie bastos talaga iyan tama din kayo na pati mga contestants niya ay binabastos niya at ang mga co host din niya ay binabastos din.sa mga namumuno ng abs cbn sana naman ay matauhan na kayo palitan na ninyo si willie sa show na wowowee hindi siya ang nagdadala ng show na iyon marami lang kayong magbigay ng premyo kaya marami ang napunta sa inyo kahit na sino ang ipalit ninyo na host sa show na iyan ay kikita din kayo ang dami ninyong artista na magagaling mga host na talaga namang de kalidad pa natatakot ba kayo na mawala sa inyo si willie na wala namang karapatan na maging isang host lalo na kapag foreigner na ang contestang ninyo dahil hindi nga siya marunong mag english ang gagawin niya ay si bentong ang ipapahiya niya kukunin si bentong na translator dahil hindi niya kaya ang english palitan na lang po ninyo siya para hindi po kami umalis sa TFC salamat po.
hoy joey. pareho kayong bastos ni willie revillame. pareho kayong walang modo at istupidong mayabang. si willie binastos ang dating pangulo na hinahangaan ng buong mundo. ikaw joey de(monyo) leon ay binastos ang isang menor de edad. pwede ba wag kang makiride sa intriga? pagtuunan mo ng pansin ang kagaspangan ng iyong ugali. wag kayong magpagaspangan ni willie. kayong dalawa ay parehong kahihiyan sa ating lahi, kund hindi man ay sa entertainment industry. show nyo at style nyo ay parehong bulok. kaya siguro dapat pareho na kayong palitan at ng taong bayan naman ay makinabang sa panonood ng telebisyon na sana ay may katuturan. alam kong hindi perpekto itong aking rhyme. pero wala akong pakialam. gusto ko lang kayong parehong sigawan. MGA HUNGHANG!
nakikisakay na naman tong si joey de leon para magalit lalo ang tao kay willie.
iba talaga lumaban tong si joey, parang hindi lalaki.
gusto pa ulit palakihin ang issue, kung saan nagsorry na yung taong sangkot.
kawawa talaga ang iba hanggang ngayon bitter sa success ng wowowee
joey alam ko na mtagl koyo sa eat bulaga bata pa ako koyo na po ang host ano po mlaking gap ninyo willie plgi binabanatan.kht sbhin mo na mayabang siya di naman siya plastic na tao ngpakatoto sya at mrmi ng natulongan na tao lalo na sa mga matatand inggit ka lang dhil wla kang apeal sa show mo board na panoorin ang show ninyo di tulad ni willie na totong bujhay ng kababayan at ramdam ko pag nanood ako tamana iblik na lang si willie mas enjoy mononod kong sya ang host ng noontime show ng kapamilya
Oppsy eto talaga si Joey oh nag hahanap talaga nang mali kay willie hehehehe. hai sana man lang wag na sana ikaw bitter and sour graping Joey.. let other people throw thier better judgement on the show itself at hindi lang ka willie. O siguro mali yong ginawa ni Willie pero he had asked for an apology.
Joey, sana wag naman personalan ur ‘tira’ for Willie . sige ka ikaw din magagalit sayo ung nasa itaas. sabi nya eh ‘ love on another’, wala tayo time for anger… dapat mapayapa ang ating buhay at isipan.
ssa mga kontra sa poem ni joey wag na lang kaung makiride tutal wala di kaung modo
[...] Revillame Suspended for Two Weeks Willie Revillame reportedly took all his personal belongings in his dressing room in ABS-CBN last week. Willie [...]
kayong mga supporter ni willie revillame mga hunghang din wlang alam puro ka bastusan….
putang ina mo willie saksakan ka ng yabang sana hindi ka na bumalik sa wowowee HINDOT MO!!!!!
Isa a q sa mga suporter ni WILLIE. I just wanna inform you mga suporter ng mas walang hiyang JOEY NA YAN na kayo ang mga walang hiya. Plastic ang joey na yan at hate na hate ko kahit ano gawin niya. Kapal ng mukha gagawa pa ng poem na manlalait lang kay willie at di niya napansin ang masamang ugali niya. ANG BAHO AT BULOK NA YANG PAGKATAO MO JOEY DE LEON. FOR ur info lang na lahat ng ini indorso mong product di hindi q binibigyan yan ng pansin dahil sa yo. Hindi kasi ako naniniwala sa yo. Opinyon mo walang basehan. Paulit – ulit lang. Yan ba ang salita galing sa Puso kala q ba kapuso ka. Parang wala kang HEART. KAPAMILYA MABUHAY!
ganito lang yan… si willie may point sha sa sinabi nya. mhrap tlgang magpatawa ng tao nang nakikita mong may umiiyak sa harap mo… but ika nga ‘the show must go on” kesa sinong patay ang nandyan bastat wlang presidential declaration, eh tuloy ag balita at palabas sa tv… ang mali kay willie is yung the way of deliberation nya. sa puntong ito, tama si joey na matuto sna sha magbaba ng mic pag meron shang comments na medyo foul… hindi lahat ng tao eh nakakaunawa. iba iba tau ng interpretation sa mga nangyayari so let it go.. have a peaceful mind.. yaan nyo nang ang batas ang humusga kay willie.
sa MTRCB naman pwede ba malinaw sa sikat ng buwan yung batas na sinasabi nyong PD… (presidential decree abokeke). wlang violation in terms of sa snabi ni willie, wag nyong palakihin ang issue, HINDI INTENSYONG MAMBASTOS NUNG TAO. besides, galing pa nga sha sa lamay ng Aquino eh pra makiramay sa family. eh ikaw MS MTRCB, nakilamay ka ba? nakikisawsaw ka lang sa issue eh. medyo bold and straight ang deliberation ni willie but again it is not intensional. so pareng wil next time ingat sa bibitawang salita lalo na mainit ka sa mata ng tao ngayon kasi sikat ang program mo and based sa ratings, natataob mo ang BULAGA sa nationwide survey (shempre top ang bulaga sa mega manila),ok? joey ok ka sakin, wag lang mashadong garapal, nagkaayos ng kau nung tao eh tapos all of a sudden eto k n naman, di ganyan ang tamang idolo ng tao. buti pa si pareng Vic, simple pero may dating, kahit di magsalita, may dating!!!
[...] conduct in the coverage of the late Former President Corazon Aquino’s funeral cortege, a poem from Joey De Leon, and an online petition against his hosting Wowowee ever again now numbering close to 50,000 [...]
well just hope we all learned something from this. God bless you both!
PAKI-EXPLAIN LANG PO NA MARAMI DAW NATULUNGAN SI WILLIE. PERA PO PALA NIYA ANG PINAMPEPREMYO. ANG TANGA NAMAN NG MARAMING PILIPINO. KAWAWA NAMAN TAYO
Buksan ang mga mata!!!
wag nyong sbhing d bastos c willie,,
feeling mgaling s lhat,,
feeling pogi pag kmakanta lagi sa wowowee ng lip sing
feeling kunyari d mhilig sa girls pg nka2kita sa audience ng mga sexy,,
choosy p ang bakla!!!
lagi nmn chansing
feeling nya tlga cia pnka mgaling s noontime show!!
sobang bastos,,wlang pnipili,,
co-host,,camera man,,dj,,audience,,contestant,,
lhat kinukutya,,nila2it,,binabastos,,
pnapgalitan on-air,,pede nmng pkiusapan pgka commercial nlng,,
o kaya sa mahinahon daanin hbang on air,,,
kaso hindi eh!! pga2litan k anytime anyplace!!!
kaya tinitira ni joey yan eh sobrang yabang!!!
walang galang…bastos,,,
SAMANTALANG nung mwla na ung MTB pra ciang kuting n nligaw sa bakuran ng GMA humihingi ng trabaho!!!! gnwa ng GMA pna guest sa EAT BULAGA!!!! un,,PRANG TANGA LNG DUN!!!!
AMBOT SA IMO!!!
una sa lahat…cmulat sapul talagang ako at pamilya ko eh eat bulaga fans talaga,,,sa totoo lang parehong may katwiran,,,c wellie kc nagkamali talaga ng pagdeliver sa salitang binitiwan,,,ang iba nakakaunawa pero ang iba hindi..pero maayos din yan…..alam ko….tao lang tayo….