Top

Jewel Mische Nega

Sponsored Links

jewel mische Jewel Mische Nega
Ang dami ko nang naririnig na reklamo laban sa Starstruck’s Ultimate
Sweetheart na si Jewel Mische.

Bukod sa isyung hindi raw ito nagsosoli ng mga nahiram na gamit,
hindi pa ito nakitaan ng pagka-sweet kundi pawang kaartehan.

Ako mismo ay nakaranas ng pagiging maasim ng batang ito. Hindi niya
ako pinansin nang binati ko siya sa pictorial ng Shake, Rattle and
Roll 9 nu’ng Linggo.

Okay lang sa akin kahit nakatulala lang siya nang binati ko, dahil
hindi kami close at hindi niya siguro ako kilala kahit ilang beses na
kaming nagkainterbyuhan.

Pero kahit ang ibang mga kasamahan niya ay hindi rin daw niya
binabati minsan kahit matagal na niyang nakatrabaho ang mga ito.
Iniintindi na lang daw nila si Jewel dahil minsan ay naduduling lang
daw ito.

Hindi mo raw matantiya kung anong topak meron ang batang ito kaya
wala raw itong gaanong kasundo sa trabaho.

Ang latest na narinig ko sa batang ito ay natalakan daw ito sa shoot
ng Christmas plug ng GMA 7 kamakailan.

Bigla raw itong nawala na hindi man lang nagpaalam.

Nakita na raw niyang kumpleto na ang mga kasamahan niya sa Kamandag
at naghihintay na lang sa take, saka naman ito lumayas at hindi alam
ng lahat kung saan pumunta.

Matagal daw siyang hinanap kaya naghintay ang mga kasamahan niya.
Nang makita itong may kausap lang pala sa phone, todo-talak daw ang
natanggap nito galing sa isang staff ng Kamandag.

Dapat mapagsabihan na itong si Jewel para hindi na humaba ang sungay
bago ito mapasikat ng Kamandag ni Richard Gutierrez.

Comments

This website uses IntenseDebate comments, but they are not currently loaded because either your browser doesn't support JavaScript, or they didn't load fast enough.

Got something to say?





?>
Bottom