Jean Garcia called matanda by Ara Mina?

May 4, 2008 · Filed Under Ara Mina, Jean Garcia, Polo Ravales 
“Mas matanda ako kay Ara, pero
hindi ako mukhang matanda!” — Jean

Mabuti na lang at malamig ang ulo ni Jean Garcia nang ibalita sa kanya
ang diumano’y naging pahayag ni Ara Mina tungkol sa natsitsismis na
relasyon nila ni Polo Ravales.

Sinabi raw kasi ni Ara sa isang interview na ang mga ex-boyfriend niya
ay napupunta sa mga mas matanda sa kanya, matapos niya silang hiwalayan.

Sina Polo at Jomari Yllana ang tinutukoy na ex-boyfriends ni Ara. Si
Jomari ay boyfriend ngayon ni Pops Fernandez, at si Polo ay
natsitsismis kay Jean ngayon.

Anyway, may malisya ang pagkakakuwento kay Jean ng sinabi umano ni
Ara. Kumbaga, sinabi ng tao kay Jean na sinabihan daw siyang `matanda’
ni Ara.

At siyempre, tumaas ang kilay ni Jean sa balitang `yon. Aba, pangit
nga naman `yung maakusahan kang matanda, `no!

Anyway, sa totoo lang ay walang malisya ang pagkakasabi ni Ara tungkol
doon. Hindi tinawag ni Ara na `matanda’ si Jean, kaya hindi dapat
mag-react ng bayolente si Jean.

“I have nothing against Ara. Maybe she has the right to comment on
that kasi nga ex-boyfriend niya si Polo.

“Hindi naman ako madaling mapikon sa mga ganyang isyu. Hindi ako
mapagpatol, kasi hindi naman ako affected!

“Kilala naman ninyo ako, `pag may ginawa ako or may narinig akong
hindi maganda sa pandinig ko, ipi­naglalaban ko `yon.

“Kahit anong sabihin nila, okey lang, karapatan nila `yon. At hindi
naman kapatul-patol `yang mga ganyang issue!” umiirap na sabi ni Jean.
“Yeah, mas matanda nga ako sa kanya (Ara). Pero hindi ako mukhang matanda.

“Pakitanong na lang nga sa iba kung mukha akong matanda? Siguro,
puwedeng sabihin na mature ako, but I’m not old!” dugtong pa ni Jean.
Nilinaw ni Jean na hindi siya galit kay Ara, dahil alam niyang wala
itong ibig sabihin sa kanyang naging pahayag.

At ipinagdiinan din ni Jean na wala pa silang relasyon ni Polo.
“Kayo kasi, bakit ba ipinagpipilitan ninyong mag-boyfriend kami ni
Polo eh, hindi naman!

“Alam naman ninyo na wala akong itinago sa buhay ko. Ngayon pa ba ako
magtatago sa edad kong ito? Nakakaloka!

“Alam ni Pol (tawag niya kay Polo) na hindi ako ready for another
relationship dahil masaya ako being single, masaya ako sa career ko,
sa family at sa mga kaibigan ko.

“I can go out anytime and anywhere I want. I can be with people or
friends that I’m comfor­table with. Ayoko nang pinagbabawalan ako,
ayo­ko nang nagpapaalam pa sa kung kani-kanino.

“As I’ve said, lumalabas kami ni Pol. We enjoy, we go out. Masaya na
kami sa ganun,” say na lang ni Jean.

Siyanga pala, proud na proud si Jean sa papel niya bilang nanay ni
Ma­rian Rivera sa Dyesebel ng GMA 7.

Sabi nga ni Jean, hindi siya pinatanda sa Dyese­bel, bagkus ay ginawa
pa siyang sopistikada.

By: Rey Pumaloy

Comments

One Response to “Jean Garcia called matanda by Ara Mina?”

  1. 1
    Polo Ravales bulge Says:

    [...] stars in the Yasmien Kurdi and JC De Vera starrer, “Loving You” with rumored sweetheart Jean Garcia, very much older than him, shades of Ashton Kutcher and Demi Moore ang drama! Up to now, they have [...]

Leave a Reply

This site is using OpenAvatar based on
pageTracker._initData(); pageTracker._trackPageview();