Top

GMA 7 strikes back with new Image Plug

Article has been viewed by 23 visitors so far

GMA 7 gets back on critics of its Summer Station ID with a “star-studded” image plug for GMA Artist Center. Judge for yourself if they are more successful with this Image Plug. Watch the GMA Artist Center image plug below. Accompanying press release below in Filipino:

Magkakasamang umawit ng GMAAC image plug theme song sina Ayen Munji, Jonalyn Viray, Brenan Espartinez, Bryan Termulo, Gerald Santos, Maricris Garcia, Aicelle Santos at singing group na Sugarpop.

Ipinagsama-sama ng GMA Artist Center ang most sought-after-artists ng kanilang henerasyon sa image plug na ito.

Isa na lamang sa nakakamanghang concept na ginamit dito ay ang ‘Matrix’ inspired vignette kung saan makikita ang prime artists ng GMAAC sa isang helipad na naka-itim. Kasama rito sina Marvin Agustin, Iza Calzado, Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi, Nadine Samonte, U Reyes, Isabel Oli, Ange-lika Dela Cruz, Marky Cielo, at Aljur Abrenica.

Magtatapos ang engran-deng introduction sa paggamit naman ng isang helicopter.

May twist o kakaibang come on at kiliti ang bawat segment ng image plug at lahat dito ay may sinisimbulong mas malalim na mensahe.

Sa katunayan, hindi magtatapos ang introduction sa all black outfits ng mga artista, makikitaan sila ng makukulay at panibagong mga itsura at damit upang ipahiwatig na patuloy ang pagyabong at paghubog ng mga artista sa GMAAC.

Sa pangalawang parte ng image plug, bida naman ang child stars ng Artist Center. Masaya ang mood at look ng nasabing parte kung saan ipinapakita ang kulay na idinadagdag ng child stars ng AC sa mga Kapuso shows.

Sa third installment ng image plug ay makikita na nagsi-“clubbing style” ang mga artista ng Artist Center. Kabilang dito ang mga bagong reality talent search discoveries tulad ng Ride to Fame winners, Mo-vers, StarStruck avengers tulad nina Steph Prescott, Arci Munoz, Jessie Corcuera, Prince Stefan, Jan Ma-nual at Paolo Avelino.

Kabilang din dito ang mga ipinagmamalaking komedyante ng GMAAC na sina Mang Mike, Belly Flori, at Pekto. Kasama rin ang newly launched faces ng GMAAC.

Ang ikaapat na installment ay kinuhaan naman sa helipad ng GMA Network. Dito, mapapanood ang mga naggagalingang mga mang-aawit tulad nina Michael Garcia, Jenny Escalada, April delos Santos, at Harry Santos. Kasama nila ang mga singers na umawit ng image plug theme song. Sa vignette 4 rin ma-kikita ang mga hosts ng GMAAC na namamayagpag ngayon tulad nina Grace Lee, Issa Litton, Rosebud, Chynna Ortaleza, Paolo Paraiso, Hillary Isaac, at VJs na sina Stephanie Henares at Ysa Villar.

Ihinahandog ng GMA Artist Center ang kanilang bagong image plug na sumasalamin sa tunay na kagalingan ng GMAAC. Makahulugan din ang image plug dahil ipinapakita nito ang diversity ng mga talent ng AC, ang layo ng kanilang narating at ang hinaharap na sumasalubong pa sa naglalakihang stars ng GMA Artist Center.

7V7LMNAAOxY

Comments

This website uses IntenseDebate comments, but they are not currently loaded because either your browser doesn't support JavaScript, or they didn't load fast enough.

5 Responses to “GMA 7 strikes back with new Image Plug”

  1. bryce on April 21st, 2008 9:37 pm

    quite ok
    pero walang wow factor
    its like nagawa na before ung concept

    tapos why would you have to place the names of the artist sa plug?

    di ba sila makikilala by their faces?

  2. dewdew on April 21st, 2008 11:00 pm

    kadiri pa din!ibig sabihin pangit talaga yung una!

  3. Star Blink on April 22nd, 2008 8:50 pm

    Sabi ni Direk Louie Ignacio na bago daw ang concept na ito, at kakaiba. WeLL!! Obvious na ginaya ito sa American idol nung pinakilala ang top 24 for their Season 7. And Please, ang panget nung shift nung mood from serious to party (see 00:10)
    Goodness! magaling na ba yan sa kanila?? Please naman.

  4. junwendell on April 25th, 2008 9:20 pm

    plug pa sila tapos kumukuha sila o tumatanggap ng mga nasa kabilang network at yun pa ang priority nila na bigyan ng projects!

    anu pa meaning ng plugging nila then?

    mga ugok!

    papangit pa ng mga artista nila.

  5. garyv on April 27th, 2008 11:00 pm

    nasuka ako wala pa kalagitnaan sinara ko na!

Got something to say?





?>
Bottom