Gabby Concepcion and KC Concepcion reunion
Nagkataon na may dance rehearsals si KC habang si Gabby naman ay may meeting kaya nagkaroon ng pagkakataon na mag-krus ang landas nilang dalawa.
Dapat ay so-sorpresahin ni Gabo ang kanyang anak pero siya ang nagulat nang makita si KC na nag-aabang sa kanya.
Tiniyak rin muna ni KC na wala nang press na nag-cover sa meeting ng ama bago umakyat sa 14th floor ng gusali kung saan naroon si Gabby dahil gusto niyang maging pribado ang kanilang first meeting matapos ang dalawang taon.
Mahigpit na nagyakap ang mag-ama at naging emosyonal pa kaya iniwan na sila ng mga taong naroroon at hinayaan silang mag-usap.








