Top

Cristy Fermin reacts on the Willie-Joey Issue

Sponsored Links

cristy fermin Cristy Fermin reacts on the Willie Joey Issue
The Buzz co-host and popular entertainment columnist, Cristy Fermin in her Showbiz Mismo! column last Saturday, Sept. 1, 2007, wrote the following on the Willie Revillame-Joey de Leon controversy.

Ang mga patutsada ni Joey de Leon laban kaya Willie Revillame ay
madaling unawain kung ang host na bini­bira-nilalait niya ay hindi
host ng kakumpeten­siya nilang programa.

Nagkakaroon lang ng malisya ang isang bagay kung ang dating nun ay
makasarili at per­sonal, tulad ng gina­wa ni Joey de Leon kay Willie
Revillame, dahil magkatapat nga ang Wowowee at Eat Bula­ga tuwing
tanghali.

Pero ang pagpapa­rinig- panlalait ng kan­yang kapwa ay kakam­bal na ng
inunan ni Joey de Leon, wala siyang pi­nipiling kalabanin at awayin,
kahit babae ay pinariringgan niya ng ma­­sasakit na salita sa ere.

Nung lumipat si Toni Gonzaga sa ABS-CBN ay tumutok kami sa kung ano
ang maaaring sabihin ni Joey laban sa dalaga, ang dami-dami, tinawag
niyang muk­hang pera si Toni na na­operan lang nang mas malaki ay
nakali­mot na sa utang na loob.

Matindi siyang mag­parinig, gumagamit siya ng ibang tao para ma­saktan
niya ang taong pinariringgan niya, kun­wari’y kakausapin niya ang mga
dancers o kaya’y ang kanilang mga co-host at sa mga ito niya
sasabihin ang mga salitang gusto niyang ipakain sa inaa­way niyang
persona­lidad.

Iniyakan nang husto ni Toni ang mga patut­sada ni Joey, kapag tina­
tanong ng mga re­porters ang dalaga kung ano ang masasabi nito sa mga
patutsada ng may edad nang TV host ay nagkikibit-balikat lang ang
actress-TV host, luha lang ang naging sumbungan ni Toni noon sa
pambabastos sa kanya ni Joey de Leon.

* * *

Nitong mga nakara­raang araw ay si Willie Revillame naman ang pinag-
tripan ni Joey de Leon, ang ginamit ni­yang isyu ay ang diu­mano’y
dayaang nang­yari sa Wowowee sa Wilyonaryo segment, napanood namin ang
naturang kaganapan.

Malinaw na hindi nakuha ng babaeng ka­lahok ang two million pesos at
ang premyong house and lot, ang na­panalunan nito ay one hundred
thousand pe­sos, pero nang buksan ng host ang wheel ay dalawang numero
ang nakita.

Merong 2 at merong zero. Pero sa reveal portion na yun nangyari,
tapos nang matalo ang kalahok, ipinakikita na lang kung nasaan ang
mga numerong hinaha­nap sa pa-contest.

Hindi dayaan ang tawag dun, nangyayari talaga ang mga hindi
sinasadyanag pagka­kamali sa isang bagong segment, kung meron mang
dapat kwestyunin sa pangyayaring yun ay walang iba kung di ang
segment producer at hindi si Willie.

Walang lantarang dayaan sa nangyari, hindi lang naging mai­ngat ang
tagapamahala ng naturang segment, na ngayo’y binibigyan na ng leksyon
ng prog­rama.

Pero ang madulas na dila ni Joey de Le­on ay walang habas kung
mamintas-manlait kay Willie, tina­wag pa ni­yang bo­bo ang host ng ka­
tapat nilang progra­ma, tinawag din niya itong bulol at kung anu-ano
pang mga salitang hindi na hinihingi ng pagkakataon.

Kalaban ng Eat Bu­laga ang Wo­wowee, magkasalpukan ang kanilang mga
prog­rama, hindi dapat gina­wa yun ni Joey kay Wil­lie dahil ang sigura­
dong magi­ging dating nun sa pub­liko ay pini­personal niya ang host ng
kala­ban nilang show.

Ayaw naming isipin na dahil tinatalo na sila ng Wowowee ay ganun na
lang ang kailangan niyang gawin, ang lait-laitin si Willie, para ma­
kaparehas man lang siya.

Nagsalita si Willie, naglabas ito ng kanyang mga sama ng loob, sa
pinakamahabang pa­nahon ay wala tayong anu­mang narinig mula kay Willie.

Bugbog na bugbog na ito kay Joey de Leon, kung anu-ano nang sali­ta
ang ikinakapit niya kay Willie, ang pasen­siya ay may hangganan at
kapag masyado na tayong nasasaktan ay kailangan na rin nating
magpahayag ng ating saloobin.

May rekomendas­yon si Joey, kailangan daw busisiin ng senado
ang “Hello, Papie” tulad din ng “Hello, Garci” tape. Ang rekomen­
dasyon ay maaari lang dinggin ng Mataas Na Kapulungan kung me­rong
nagrereklamo.

Ang tanong namin kay Joey de Leon, me­ron ba?

Comments

This website uses IntenseDebate comments, but they are not currently loaded because either your browser doesn't support JavaScript, or they didn't load fast enough.

36 Responses to “Cristy Fermin reacts on the Willie-Joey Issue”

  1. Anonymous on September 2nd, 2007 9:15 pm

    BAKET DI RIN NINYO E RECOMMEND SA SENADO ANG HELLO PEPSI (THE PEPSI PALOMA RAPE… STARING JOEY DE LEON AND……) DI BA ANG GANDA BWAHAHHAHAH RAPIST

  2. jozepc on September 3rd, 2007 12:12 am

    shut up christy! nandaya na istasyon nyo marami pa kau sinasabi..kunwari mechanical error daw.. sus.. d ba tig isa film lang sa bawat gulong? bakit dun sa 2 million dalawa.. halata naman eh.. ang sabihin nyo dahil bago pa ang game nyo na ito, indi pa si willie expert magswitch at this time kayat nabuking kau, so sa susunod bago kau maglaunch ng panibagong game, magpractice muna kau ng maigi

  3. Anonymous on September 3rd, 2007 1:57 am

    hoy cristy, naki-sawsaw ka na naman sa issue di ka naman kasali!

  4. Anonymous on September 3rd, 2007 1:58 am

    hoy cristy, nakiki-sawsaw ka sa issue

  5. Anonymous on September 3rd, 2007 3:46 am

    nakisawsaw na naman ang hitad!!!

  6. Anonymous on September 3rd, 2007 7:40 am

    Cristy Fermin hindi mo kaya si Joey. At kulang kulang yung sinasabi mo, parang nakalimutan mong explain before you complain na sinabi ni Joey.

  7. Anonymous on September 3rd, 2007 7:59 am

    So, ano nga ang dahilan kung bakit may 2 numero sa loob ng wheel?

  8. Anonymous on September 3rd, 2007 8:04 am

    Nililihis mo ang usapan tita cristy e, sagutin nyo muna ang tanong ng bayan “BAKIT MAY 2 NUMERO SA LOOB NG ISANG WHEE?” kung masagot nyo ng maayos yan, kusang mawawala ang isyu na ito. Sa dami ng taong nagpost ng kailang comments, wala pa rin bang nagrereklamo nun?

  9. tito alfie mael on September 3rd, 2007 8:56 am

    ganun? e pareho lang kayo ng ugali ni joey no?!

    isara mo na yang pikpik mo kung wala ka maganda masabi!

    TAPOS na yang issue na yan. nag sorry na si willie, gagah ka!

  10. Anonymous on September 3rd, 2007 10:05 am

    kristy pinagtatangol mo c willie??
    ang tinidi ng sikmura mo…sbagay birds w/ d same feathers nga pla.
    kya din nga pla kyo s nsa abs-cbn.
    bukod s d ktangap-tangap n pliwnag nyo tungkol s nangyari s 2 nos. ng bibingi-bngihan p kyo n wlang ng rereklamo..d b pkapalan n tlga ng muka yan!!kristy HIPOKRITO k tlga!! at ung mga tg-pgtangol ni willie d2, kng never kyong ng reklamo s bill ng kuryente nyo s meralco, cge tuloy nyo panonood ng wowwowee.snay nman n pla kyo ng dinadaya e.

  11. Anonymous on September 3rd, 2007 10:08 am

    Simple lang yan Cristy. You work at ABS CBN right? Natural kasangga mo yang Bobong host na yan kaya todo depensa ka. Isa lang ang dapat sagutin diyan? Bakit dalawa ang numero diyan sa violet wheel na yan? Kaya hindi puwedeng magduda kami na dalawa rin ang numero sa white wheel na napili ng contestant. Tama ba Tita Cristy?

  12. bong mc on September 3rd, 2007 7:09 pm

    kayo rin mga nagkocomment..nagpapaepekto kayo sa mga yan..hayaan nyo silang dumakdak…ang gawin nyo, hwag nung panoorin yung kay willie..
    kasi kahit na madaya yan pero pumapalo pa rin sa ratings
    makakalimutan na yan, later on, business as usual na. Parang perya yan eh, minsan, halatang halata na ang pandadaya sa pasugalan, pero taya p rin ng taya ang mga tao. At saka kung imbestigahan yan sa senado, wala mangyayari diyan, sisikat lang lalo at hahakot pa ng ng mas maraming pera. Kaya wag na kayo manood para mas ramdam yang anghang ng salita nu

  13. Anonymous on September 3rd, 2007 7:12 pm

    wag nlang natin patulan ang matandang si joey,,,, kasi wala naman syang k… kgaya nang nangyari kay toni,,, inano nya??? laos na kasi kaya ganon2x nlang syang magsalita,,, ang bantot na nang amoy mo joey matanda!!!!!

  14. Anonymous on September 3rd, 2007 8:41 pm

    Hello???!!!???
    “mechanical glitch?”

    bwahiihihi

    e “MANUAL” pong hinahatak ng mandarayang willie ung cover sa wheel no!!!

    anu mechanical dun?

    halatang scape goat and term na “mechanial glitch’ ng abs cbn!

    mga mandaraya!!!

  15. bogart on September 3rd, 2007 10:10 pm

    iniiba nanaman ng ABS ang isyu!sobra talaga kayo!inungkat niyo pa si toni gonzaga!

  16. Anonymous on September 3rd, 2007 11:24 pm

    Kaya nga ganiyan ang mukha niyang babaeng yan. Mukhang maasim! Ang hilig kasing sumawsaw

  17. Anonymous on September 4th, 2007 8:02 am

    animal yang si cristy fermin….paano eh alaga nyan si willie na yan..sabagy pareho sila ng ugali….isama na rin yung nagmamagandang bakla na si joebert…para na silang nasa hell magsamasam!!!!!!!!

  18. Anonymous on September 4th, 2007 8:56 am

    ano ba naman si Cristy.. nasan ba ang utak nya? malinaw daw na natalo na ang contestant bago buksan ang controversial na wheel… di ba nya naisip na baka 2 rin ang number na nasa wheel na napili ng contestant at “0″ ang pinalitaw nila kasi ayaw nilang mapanalunan ng contestant yung prize..

    remember .. sinabi sa bible, malaking kasalanan ang maging “false witness”… obvious na mali na nga e ipinagtatanggol pa … (for Cristy at sa mga nagtatanggol pa sa pandaraya na yan.. makarkarma kayo nyan..)

  19. Anonymous on September 4th, 2007 9:46 am

    SABI NI CRISTY, TINIRA NI JOEY SI TONI GONZAGA. TAMA KA.

    TANONG KO SAYO CRISTY, HINDI BA’T MAY DAYAAN NA NOON SA WOWOWEE? YUNG ISANG FLOOR DIRECTOR NINYO O CONTESTANT COORDINATOR NINYO E KUMU-MUKISYON SA MGA NANANALONG CONTESTANT?

    EH YUNG MGA NAMATAY SA STAMPEDE?

    HIRAP SAYO CRISTY FERMIN, BIAS KA SA DOS. WALA KANG KWENTANG JOURNALIST/MANUNULUAT KUNG MAY KINAKAMPIHAN KA O PINOPROTEKTAHAN. WAG GANUN. BE FAIR. PRESENT BOTH SIDES.

    PARA KANG KABAYONG MAY TAKIP YUNG MGA MATA SA GILID.

    O BAKA MALAKI ANG BIGAY NG MGA LOPEZ SAYO KAYA TODO- DEPENSA KA.

    MALAMANG.

  20. Anonymous on September 4th, 2007 11:00 am

    ang tindi naman ng write ups ni “cristy pera min”:, one sided at parang bayaning inapi si willie…

  21. Anonymous on September 4th, 2007 1:45 pm

    sumali naman ito…eh kung karugton ng bituka ni Joey ang ganyang ugali nya, how about you? di ba masahol ka rin gaya ng lahat ng nasa showbiz? ikaw nga kahit friend mo, tinitira mo….nagalit tuloy si tetay sa yo…di ba? di ba? di ba???? kapal mo rin eh!
    y don’t u just stfu and hide in d korner… G*GA

  22. Anonymous on September 4th, 2007 5:46 pm

    meron kami tfc and pinoy tv here in CA and i admit pareho ko sila pinapanood and for me parehas lang sila maganda at masaya.pero this time i think willie misunderstood everything,di naman siya pinepersonal ni joey, he didn’t even mention any names or channel or anything but willie just assumed that it was him.there’s alot of game show in the philippines and why he reacted like it was him? so anyways nung mapanood ko ung wilyonaryo and nung nireveal na ung number i was shocked myself and asked bakit dalawa ung lumabas na number sa isang wheel? i don’t think na it’s because of a “mechanical glitch” lang un or whatever. matagal na kayo sa serbisyo and dami ng game show na ni launch pero di nyo ba pinapractice or di nyo ba check bago nyo ipalabas saka manual naman ung wheel hinihila lang naman ung film para magkaroon ng mechanical glitch. iniiba pa ng abs ang issue. it’s not about willie or joey. it’s about the wheel with two numbers. so walang problema kay joey sa abs ang problem nakakahiya napapanood pa naman kayo sa buong mundo. tapos si willie parang bata na nagdrama and nanira pa ng iba.mayabang kasi sya di naman maganda makisama sa mga co-host nya binabastos and utos utusan nya kala mo sino.sobra yabang na nya kaya kinakarma lang siguro siya.umiiyak pa siya wala naman luha.nakakatawa and nakakainis at the same time. 28yrs na ang eat bulaga and ilang show na rin ang tinapat sa kanila pero walang tumagal dahil mas maganda and fair sa lahat.so willie di mo na kelangan bigay ang #1 rating sa kanila dahil proven na un noh!!!saka ikaw ang mali willie dahil pati personal na buhay or mga kaso sa inyo sinasabi mo pa at sinusumbat or hinahamon mo pa kung kyang mag host si joey mag-isa eh di ka rin naman mag-isa, may mga cohost ka din naman puro babae kaya ka nasususpende eh.anyways sana maayos na ito and hopefully mabigyan ng action ung nangyari. cristy di na kelangan magtanong kung may nag rereklamo ba, marami ang nakapanood nun kalat sa you tube so dapat lang magpaliwag tulad ng sabi ni joey “explain before you complain” and di naintindihan ni willie un.bago siya manira magdrama isipin nya muna ang sasabihin nya and explain!!!

  23. arlenejoymunoz on September 4th, 2007 6:16 pm

    Sino ba itong si Cisty Fermin?Fairness na sinasabi mo eh, parang kelan lng sinabi mong anak-anakan mo si willy at mahal mo sia!!! so ngayon ano pa bang aasahan nmn sayo kundi kumampi ky willy…
    Aling Cristy! wag ibahin ang issue! the mere fact na my 2 number sa box its very obvious and dont tell us na kya ginagawa ni joey yun eh dhil talo sa rating! sino lolokohin nio??? kami??? as if stupid mga tao sa buong mundo! afraid lng kyo kasi na sigh sa buong mundo ang scam ninyo and aminin nio na lng na mahirap mag bangon purii kaya i divert na lng ang issue!!!

    wag ganun!!! bad yun!!!

  24. Anonymous on September 5th, 2007 12:57 pm

    Hayan Critsty, halos lahat ng readers/viewers hindi panig sa nilabas mo na statement tungkol sa willie at joey controversy. Isa lang naman ang issue. Ano ang nangyari at bakit 2 ang numero ang nakalagay. May spekulasyon na, kung sakali makuha ng number 2 ng contestant, e pwedeng ung number 0 ang ilabas para ndi makuha ang 2 million. Pag na explain mo yan sa susunod mong column e maniniwala akong magaling kang journalist. O kaya wag na u magsalita para ndi ka magmukhang kontrabida…

  25. Anonymous on September 5th, 2007 11:19 pm

    Napasok na rin pala ng mga kapuso ito. As if kahit anong explaining ang gawin ni Willie or ABS maniniwala sila. Panay tanong ng bakit may dalawang numero sa box pero sarado naman ang isip ng mga fanatikong ito. Saan kayo nanood? Sa Youtube? E di sa Youtube kayo magreklamo. Tama naman ang sabi ni Cristy, siguro kung hindi kalaban ng show ang nag-question (correction pala, nambibintang), siguro walang mag-iisip ng masama. Pero ang siste may purpose di ba? Itong Joey na ito ang nagsabi na kung mababa ang ratings nila noong panahon ng brown out last year baka wala ng nanonood sa Wowowee. Sa kayabangan niya, ayan na-te-threaten na sila kaya ang ginagawa nila parang mga buwitri na naghihintay ng mali sa Wowowee/ABS para manira. Ano pa nga ba ang aasahan mo, management nga iyong ang ginagawa, iyong talent pa kaya. Masyado yatang desperado itong mga tiga Eat Bulaga at mga kapuso at pati senado isinama sa kanilang insecurities. Sa takbo ng isip ng mga ito, ang kaya lang nilang tanggapin na resulta ng imbestigasyon ay “nandaya nga”. Dalawa lang naman ang kalalabasan nito. Either nandaraya or naninira. Kahit ano pa ang gawin ng mga taong ito, No.1 pa rin sa mga TFC subscriber ang ABS/Wowowee.

  26. Anonymous on September 6th, 2007 3:37 am

    Wala talagang konsensya ang ABS-CBN. Sa dami ng namatay sa ULTRA, pag napatunayan na dinadaya nyo lang pala talaga ang mga taong tulad nila na namatay dahil umaasang baka sakaling manalo sa contest nyo. Maawa naman kayo sa mga tao.

  27. Anonymous on September 7th, 2007 8:45 am

    hoy tfc subscriber, tanga k nga!no 1 ang abs s nyo ntural un lng nman chanel ng tfc.kyo wowowee pinapanood nyo dhil wla n kyong iba png pde pg-tsgaan..ns saudi ak pnatagngal k n tfc mga mandraya.lugi n kyo d2 aminin!!

  28. Anonymous on September 7th, 2007 9:54 am

    hay naku Po ineng!kaya nga sinabing mechanical dahil maual!!ano ba yan???ah E1 di ko din alam…basta ang alam ko lalo lang natin silang pinasisikat sa isyung yan!!!remember!!! PUBLICITy may be good or bad is still PUBLICITY..kaya tigilan n natin sila…Please???wag natin pilitin ang sarili natin kong ayaw nating maniwala!!!ang mabuti nating magagawa ay manahimik!!!

  29. Anonymous on September 7th, 2007 7:05 pm

    nagsalita ang pinakaplastik sa syobiz!! parang ang galing galing mong magsalita cristy famine!! parang wala kang kamalian!! pano kaya kung yung sa eat bulaga nangyari yun?.. syempre tuwang tuwa ka?.. baka ikaw pa ang manguna?.. natural namang mag comment si JOEY, COLUMNIST sya. nanonood din sya sa youtube, syempre pupunahin mo yun?… ang dme nyo pa sinasabi!.. tama naman talaga e, magulang yung ABS, ang laki magkaltas sa premyo nila! biruin mo 20% nung napanalunan mo ang kukunin, tapos 1 month bago ibigay, pambihira! magmumukha ka munang tanga sa studio nila, bago ka makasali!.. hay naku!!!… tagal na kong inis sayo CRISTY FERMIN!!!

  30. Anonymous on September 8th, 2007 5:32 am

    sa dami ng nag comment, pro tanong parin kung bakit dalawa ang number sa wheel. malamang tama ung isang nag comment na kahit anong explanation ang gagawin ng abs o ni willi sarado na nga isip nila dahil di naman un ang root cause ng problema kundi nakahanap ang k nguso ng butas sa dos. in short away to ng dalawang station nakikisawsaw lang tayong lahat , at tayo nag papasikat sa kanila. base sa report preho lang sila may punto, about sa dalwang numero, base lang nila un zero. meaning lahat ng wheel may zero additional lang nila yong other number sa jackpot. masyado ngang complicated ang system at doon sa mga slow leaner, di tlga maaccept ung paliwag kaya nag stick sila sa kanilang conclusion. may point din si joey dahil sabi nga ng kumpare nya commentarista tlga sya by nature , pro sana sa opinion ko ,pinalampas nalang nya un kasi may basehan din naman ung views ni chirty na kung di lang rival yong shows nila di mamisinterpret young paghingi nya ng explaintion kaso nagpakitang gilas si joey at yon ang cause ng offensive comment nya ay na threaten sila sa baguhang host. kung kasing tibay at tatag na metal ang show nila na sabi daw ng taga tfc subscriber 28 years na, bat nila papatulan ung neophite palang? preho naman silang may mga crooked past like ung kay joey na pepsi paloma at etc at kay willie na ultra stampped etc, tuloy kung sino nalang nakikisaaky sa publicity pati din naman si lolit nanggatong pa wla din naman syang naidulot na maganda. pati polito nakiki join narin kahit marami pang dapat laanan na issue tungkol sa bayan pedi naman sa iabng ahensiya ayusin ung gusot pano may mga vested intterest yan for the future. lasty , pra ano papara mag comment tayo di naman tayo kikita sa kanila o makikilala man lang.kaya ung taga saudi d sguro ang dos na lugi doon bka ikaw kasi d ka mka panood ng ibang show ng dos na alam ko may paborito ka din doon hehhehe. wla akong pinapanigan reaction lang to sa mga na babasa ko. fan din ako ng gma sa iba nilang mga shows . tnx

  31. Anonymous on September 8th, 2007 5:34 am

    Base sa mga nababasa kong comments ng tiga kabila, walang saysay ang imbestigasyon na iyan. Kung si Vic Sotto sinabi nang kahit anong paliwanag hindi siya naniniwala, bakit mag-aaksaya tayo ng pera ng gobyerno para sa mga taong walang gusto kundi pabagsakin ang kalaban. Correction sa comment ng tiga Saudi, siguro kailangang umuwi ka na ng Pilipinas dahil napapasok na ng init ng weather dyan ang utak mo. Baka ikaw ang nagtitiyaga sa panonood ng GMA show at pati utak mo nagiging mapanira na rin katulad nitong matanda at laos na si Joey. Ano pa nga ba ang aasahan namin sa iyo kundi katulad ng kabilang istasyon. Walang alam gawin kundi manira para umangat sila. Manood ka kaya ng Kokey para matawa ka sa mga pinagsasabi mo na walang sense.

  32. Anonymous on September 8th, 2007 5:03 pm

    OPEN NYO… THE TRUTH BEHIND JOEY DE LEON AND OTHER EAT BALUGA HOST…

    http://www.youtube.com/watch?v=5RHDj3kHAxU

    sabi ni joey nang sagutin nya si willie nabanggit nya ang mga katagang “kahapon po ay may isang nilalang o isang kaluluwa ay siniraan ang inyong lingkod”,hindi kaya ang kaluluwang yon ay kaluluwa ni pepsi paloma na ginamit lang si willie para mabuksan uli ang kanyang kaso…

    Di ba yung dating Producer ng Eat Bulaga ng rape ng bata kaya nakulong? Yun ang idolo ng tatlong ugok. Remember the kids today do not know what happened 20 years ago. Lesson just don’t follow the trend or the crowd.

  33. Anonymous on September 8th, 2007 8:50 pm

    hay si cristy fermin ang bayarang publicist ng WOWOWEE. walang credibilidad kahit kailan

  34. Anonymous on September 10th, 2007 2:05 pm

    anu ba naman kayo.. kitang kita na nga na may daya e nagbulagbulagan pa kayo.. bakit kay joey napupunta ang issue e yung pandaraya naman talaga ang dapat nila i-explain.. does it mean na baka may “2″ rin sa napiling wheel ng contestant? .. kung by accident lang na nalagyan ng 2 numbers ang wheel, e di dapat binigay na lang sa contestant yung prize kasi fault naman nila iyon.. or pinaulit na lang yung game.. ang ginawa nila, nag isip pa yata ng dagdag kasinungalingan.. lalong kakarmahin nyan ang wowowee, si willie at ang lahat sa inyo na nagtatanggol sa dayaan .. dahil , malaking kasalanan iyon…

  35. Anonymous on September 13th, 2007 2:12 am

    Hala.. Mga hindi daw nagnename ng names c joey de leon? hala.. pag ikaw b binato ng bato sa direksyon mo ng hindi nakatingin ang nambato okei lng sayo? marahil! pero pag nabato ka ulit… tapos isa pa… at humirit pa ng lima.. tap0s cnabi sayo hindi naman ako nkatingin ehh… okei lng sayo?? tanga! ilan lng b ang n0ontime show s pilipinas? playing safe yang c joey de leon kung bumanat.. tuwang tuwa namang nagpapakatanga yung mga panatikong tanga nmn talaga.. tap0s tungkol nmn dun s dayaan kuno.. ilan n b ang napayaman ng abs para mandaya?? tp0s may mga nagsasabi pang kaya yumayaman abs dahil madaya… asus! andami kayang branched companies ng abs? pati kaya c willie nagulat nung lumabas ehh zero! ibig sabihin nagkamali.. ng design.. ay0n s kuya kong engineer s wowowee.. by default lhat ng disks ehh may zero.. iniinsert nlng yung 2/house&lot/1/.5.. hindi kasi nagkaron ng design to fit in the disk ang isang solid cylinder n may nkalagay n 2/house&lot/1/.5/0 coz it will make its weight as a design conflict… so zero print ang pinrint s bawat disks w/o using a separate removable solid cylinder at iniinsertan nlng ng winning films… if y0u still ask questions then i’ll try to get the design proposals for tv show equipments and devices dun s wowowee n alam kong bawal kunin at khit makuha ko ehh hindi maiintindihan ng utak niyong mas makitid pa s letter “l”.. geh ask questions p ulet… pra mapatunayan niyo kung gano kayo kabob0.. cm0n… cge pa..

  36. Anonymous on October 4th, 2007 6:30 pm

    Aysus, PEPSI PALOMA ka dyan. Luma na un. saka wala naman talagang evidence na si Joey ang may gawa nun. Eh sa wowowee, naka upload pa sa youtube. Saka wag magmalinis yang willie na yan. tanungin kita, ano ba ang ikinaso sa kanya ni liz almoro?

    Ikaw na ang humusga

Got something to say?





?>
Bottom