Cristy Fermin nag-resign sa The Buzz?
Sponsored Links |
Marami ang nagulat sa biglaang pagkawala ni Cristy Fermin sa The Buzz nu’ng nakaraang Linggo.
Ang ikinaloka pa ng co-host niyang si Boy Abunda, siya raw ang sinisisisi sa pagre-resign ni Cristy.
Ayaw pang magsalita ni Boy dahil ayaw niyang makialam sa usapin ng ABS-CBN at ni Cristy.
Talent lang din daw siya kaya mahirap makialam.
Sabi pa ni Boy, marami pa siyang dapat malaman dahil ’di lahat ng nakararating sa kanya ay pinaniniwalaan niya.
Ang management daw ng Dos ang dapat tanungin tungkol sa diumano’y pagre-resign ni Cristy.
Iba raw ang pinagsamahan nila ng columnist-TV host, ganundin ng network, kaya malabo kung papipiliin siya kung sino ang papanigan.
Lalabas at malalaman din daw ang tunay na dahilan ng pag-alis ni Ms. Fermin sa naturang showbiz talk program.
Pakiusap ni Boy, huwag siyang pagbintangan sa nangyari at huwag papiliin kung sino ang mas matimbang, ang ABS-CBN o si Cristy?
Hindi kaya may kaugnayan ito sa pagge-guest ni Annabelle Rama at pagsasalita tungkol sa ipinanalong kaso ng libelo, na diumano’y ’di nagustuhan ni Cristy?
In 1995, an article about Annabelle Rama’s alleged cases in US court was published in Gossip magazine owned by Cristy Fermin.
The lower court convicted Cristy Fermin for libel.
Now the news said that the Supreme Court affirmed the libel conviction on showbiz columnist and ordered her to pay P806,000 to couple Anabelle Rama and Eddie Gutierrez instead of serving the jail term slapped on her by a lower court.
Fermin had originally been sentenced to a jail term of from three months and 11 days of arresto mayor as minimum, to one year, eight months and 21 days of prision correccional as maximum.
The Supreme Court however ordered the columnist to pay the hefty fine instead of serving the sentence.
Fermin argued that being the publisher of the tabloid Gossip, she had no direct participation in the June 14, 1995 article about Rama and her alleged case before a US court.
Fermin added that the article, in its entirety is not defamatory.
But the high court pointed out that Fermin’s admission she is also the chairperson and president of the tabloid proved she had full control over the publication of articles.
As of presstime, we got word from ABS-CBN Corporate Communications head Bong Osorio na hindi nag-resign si Cristy sa The Buzz. ‘No, Cristy Fermin has not resigned from The Buzz, but she will not be in the show on April 20 and 27 because of a commitment in Canada. ‘If plans push through, she is scheduled to leave on April 17.
With Reports from: Gerry Ocampo and The Philippine Daily Inquirer



No body wants to see her anymore!!! OUST Cristy Fermin!!!
Bye! Bye! Cristy Fermin…
good for her
wag ka ng babalik sa tv ha cf? g0od riddance
sishin ba si Boy Abunda sa pagiging bungangera nya? kapal ng apog!
salamat naman, natauhan din ang dos. Kala mo kung sinong malinis yang babaeng yan. Di ba may kaso pang iba yan before? Ewan ko lang bakit pa tinanggap mg Channel 2 yan. Nagpapanggap lang yan na journalist, ang totoo tsismosa yan.
good decision!!!!ibalik si kris aquino…………itigil na yang mga poetic lines ni Cristy Fermin….na akala mo eh napakabuting tao…..hindi oist!!!!!!!!kaya ka lang naman tinatawag na “Nay Cristy” kasi natatakot ang mga artist na isulat nya. Huwag na sanang bumalik sa channel 2.
salamat naman at nabigyan ng hustisya ang matagal na naming pinagdarasal. Sana matauhan ka na at tangapin mo ang iyong pagkakamali. Dahil kung di man ikaw ang aani ng iyong tinanim ay baka ang iyong mga anak ang siyang aani nito.
di na dapat pinapabaolik yan. masyado matalim dila, nakakasugat ng damdamin. di magandang halimbawa sa manonood. si kris o ay ay na lang ipalit kwela at totoo sa sarili.
talagang napakawalang columnista yang si cristy fermin, bago nagsimula ang career niya kay ms inday badiday. Puro paninira sa mga artista ang kanyang sinusulat at kung magsalita akala mo mahinahon , un pala sisiraan niya ng artista na below the belt at wala privacy. Syang nagtapos pa naman siya sa uniberdidad. Dapat wag na siyang ibalik ng channel 2 o ano mang channel.. Nakakahiya siya bilang tao at higit sa lahat wala kang matutunan sa mga column niya, basta mabenta lang ang kanyang sinusulat. Hindi niya isinaalang -alang kung makasakit sa kanya. Hindi ba marami na siyang demanda dahil sa mga paninira niya. Hindi ba siya nadala. Talgang si cristy fermin nakarma na rin . Sana magtinda na lang siyang ng tinapa sa kanilang talipapa. Nakakaawa naman ang mga rtistang sinisira niya at mga kasinungalingan sa mga sinusulat niya. Aside from that, wala siyang credibility, hindi ba broken family siya at bukod sa kanyang pag-uugali . , ang pangit din ng kanyang pagkatao ( inner and outside).
sana ibalik po ng management ng dos si CRISTY FERMIN.
isa sa mga katangiang nagustuhan ko sa kanya ay ang pagiging totoo at diretso
alam ko na minsan nakakasakit at tagos hanggang buto ang kanyang patutsada pero hindi nyo rin ba naiisip kung ilang mga tagahowbiz na rin ang kanyang natulungan? hindi po magtatagal ng kanyang kahabang panahon sa showbiz ang isang CRISTY FERMIN kung wala po siyang paninindigan..hindi po siya magtatagal sa industriya at magkaroon ng marami at tunay na kaibigan kung hindi po siya tunay at totoo sa sarili. marami siyang pagkakamali pero sino po kayo para humusga? ang totoo ang nakikita at napapanood natin ay minsan hindi ang wasto at tama..kung meron man syang nagawang mali sa mga paborito nating artista, i think she deserves a second chance like all of us do…