Is this Mark Herras
Also, that they go to this PC LAN gaming shop not just to do some gaming but to bond with his special buddy. Last time i know, Mark Herras goes to this gaming shop with Mike Tan and Rainier Castillo.


Nagsawa na sa lalaki kaya babae naman ang type
By: Pete Ampoloquio, Jr.
Pete-tik
HA-HA-HA! Dati-rati, they were quite inseparable.
Oo nga’t nagbibilang ng chicks (Ha-ha-ha!) ang isa sa kanila na bad boy raw sa dance floor tienes, pero lagi na, when he’s tired of a particular relationship, he always goes back to his buddy who’s always been most understanding and caring of him.
Caring of him daw, o! Ha-ha-ha!
Ang hang-out nila o watering hole ay isang computer house somewhere in Kyusi at doon sila inaabot ng madaling araw sa pagku-computer kuno, pero ang true niyan, they were trying to make-up for the lost time.
Ha-ha-ha!
How gorgeously romantic. Ha-ha-ha!
Matiisin kasi ang kuya natin na kilalang-kilala dahil sa kanyang boyish good looks at kakaibang close-up smile.
Ha-ha-ha!
Kahit ano pa ang kapalpakang ginagawa ng ‘kaibigan’ niya, he always understands and is more than willing to assuage his ‘friend’s’ bruised ego and hurt feelings.
Ang mga silahis talaga, oo. Ha-ha-ha!
But today, shakira ever ang mga nakakikilala sa kanila dahil ibang-iba na ang kanilang drama.
Kung dati’y babad na babad sila sa isa’t isa, ngayo’y laman na sila ng mga beer gardens at take home to death sila ng GROs.
O, devah? Ha-ha-ha!
Kung dati’y si bad boy lang ang mahilig sa chic-kadoo, this time, the self-effacing boyish buddy of his has come to realize that he likes banging women, too. Ha-ha-ha!
Kaya hala, hataw sila sa mga beer house at so rami talaga ang naikakama nilang dalawa.
Ang sabi, natalbugan pa nga nu’ng sweet imaged actor ang dating papa (papa raw, o! Hahaha) niya dahil siya itong may ibinabahay na GRO somewhere in Kyusi.
Matulis na rin si ate, este, si Kuya pala kaya na-sa-shock sa kanya si papa. Ha-ha-ha!
The Studs revisited
“Body Bodies” is one of those videos that do not exploit the body although it shows the secrets of building it. The Studs video features Coco Martin, Dion Ignacio, Edgar Allan Guzman, Felix Roco, JC Cuadrado and Mike Tan, plus certified fitness trainers from Gold’s Gym show them how to have a great body, from low-impact exercises to using weights and machines following the Body Circuit Workout system.
The Studs has been conceptualized as a sexy boy band made up of up and coming talents of rivals ABS-CBN and GMA 7. Incidentally, the Studs creator Noel Ferrer also built up Ryan Agoncillo.
Manay Po 2: Overload Film Review
Tama si Rufa Mae Quinto na siya ang ‘overload’ sa Manay Po 2: Overload dahil siya ang may pinakabonggang role sa bading na bading na comedy movie ng Regal Entertainment.
Ang bobita at mali-maling karakter ni Rufa Mae na si Betty ang sentro ng mga conflict sa pelikula, na nagsimula sa panghoholdap nila ng kanyang boypren (Marco Alcaraz) sa mag-asawang Gerry (Christian Vazquez) at Luzviminda Catacutan (Cherry Pie Picache).
Naging parte siya ng pamilya ni Luz nang mag-apply siya at matanggap bilang babymaker ng pamhintang panganay ni Luz na si Oscar (Polo Ravales) at live-in partner nitong si Adrian (Sid Lucero) na gustong magkaanak.
Ang pangalawang bading na anak ni Luz na si Orson (John Prats) na isa nang designer ay patay na patay pa rin sa bespren niyang si Marky (Mike Tan) na nakatakda nang ikasal.
Nakatagpo ng bagong ‘pag-ibig’ si Orson sa agaw-celfone victim na nagka-amnesia na si Rainier (Alex Castro).
Ang bunsong si Orwell (Jiro Manio) ay naguguluhan kung nagdadalaga ba siya o nagbibinata. Meron siyang girlfriend kuno (Andrea Torres), pero type na type niya ang kanyang hunky swimming instructor (Paolo Rivero).
Very Rufa Mae ang tatanga-tangang babymaker character niya kaya wala siyang ka-effort-effort sa movie at parang naglalaro lang siya.
Bukod sa pagiging magugulatin ay ang hilig niyang bumanat ng mali-maling quotations.
Type namin si Rufa Mae kapag lumalabas ang pagiging natural niyang kikay at babaeng bakla, lalo na pag uma-ad lib lang siya.
May redeeming value rin ang karakter niya at binigyan siya ng dramatic moments sa bandang huli, na natauhan siya sa pang-uuto at pang-aabuso sa kanya ng nobyo niyang halang ang bituka.
Si Polo ay macho gay ang drama at tilian ang audience nang halikan niya sa pisngi ang dyowang si Sid.
Super-selos ang Sid at imbyerna sa hitad na babymaker na umeksena sa buhay nila.
Maingay at eksenadora pa rin ang flamboyant gay character ni John, na mortal na kaaway ang dating kaibigang si Frida (Charles Christianson) at kakampi pa rin ang sidekick na si Cher (IC Mendoza).
Pinaka-cute ang dating sa amin ng bunsong badinglet na si Jiro na elya-elya kay Paolo Rivero. Tilian ang fans nu’ng i-mouth-to-mouth siya ni Paolo, na niyakap niya nang masarapan siya sa halik nito.
Hindi pilit o OA ang pagbabakla-bakla ni Jiro kaya aliw kami sa karakter niya. Sana ay mas mahaba pa ang mga eksena ng bagets.
Kahit sa dream sequence ni Sid na may production number silang lahat ay si Jiro ang pinaka-cute mag-mujer-mujeran. May sarili rin siyang sidekick na badinglet (EJ Jallorina).
Naroon pa rin ang Bisayang katulong nina Luz na si Tess (Giselle Sanchez) at bagong entra ang TH starlet na si Summer Rain (Rubirubi) na panay ang tsansing sa himataying mister ni Luz.
Nagtatawanan naman ang mga tao sa premiere night nito nu’ng Linggo sa SM Megamall, kaya positive sina Mother Lily Monteverde at Direk Joel Lamangan na magkiklik ang Manay Po 2: Overload na palabas na bukas sa mga sinehan.
by: Allan Diones
















