Luis Manzano and Angel Locsin Now A Couple
November 11, 2007 · Filed Under Angel Locsin, Luis Manzano, Uncategorized, Vilma Santos · 4 Comments

Kalat na kalat na sa showbiz ang tungkol sa diumano’y relasyon nina Luis Manzano at Angel Locsin na ibinuking kamakailan lang ni Gov. Vilma Santos during her birthday celebration. Nag-react na rin si Anne Curtis at sinabi nito na she’s happy for Luis and Angel.
Naunahan pa ni Luis si Piolo Pascual kay Angel. Kahit pa nagiging madalas ang pagsasama nila sa taping ng Lobo, ang unang soap na pagtatambalan nilang dalawa, nasingitan pala siya ni Luis na tatahi-tahimik lang.
Tahimik naman si Angel sa isyu. Wala itong kinukumpirma at inaamin kung ano ang totoong estado ng relasyon nila ni Luis. Kung hindi nga lang ibinuking ni Gov. Vi si Luis, hindi malalaman sa showbiz that they are playing sweet music together.







