Shaina Magdayao and John Prats intimate

July 3, 2008 · Filed Under ABS-CBN, John Prats, Shaina Magdayao · 5 Comments 
Shaina Magdayao and John Prats in the Star Magic Ball ala Can’t Fight This Feeling Anymore ang drama! lol..they cannot keep their hands off each other on the Star Magic Ball..So much for the denials and the head honcho’s non approval..so does the fans..let them be..at least happy sila..let’s all be happy for Shaina Magdayao and John Prats..

Shaina Magdayao and John Pratts sweet pic (http://getitfromboy.net)
Shaina Magdayao and John Pratts intimate pic (http://getitfromboy.net)

Manay Po 2: Overload Film Review



Tama si Rufa Mae Quinto na siya ang ‘overload’ sa Manay Po 2: Overload dahil siya ang may pinakabonggang role sa bading na bading na comedy movie ng Regal Entertainment.

Ang bobita at mali-maling karakter ni Rufa Mae na si Betty ang sentro ng mga conflict sa pelikula, na nagsimula sa panghoholdap nila ng kanyang boypren (Marco Alcaraz) sa mag-asawang Gerry (Christian Vazquez) at Luzviminda Catacutan (Cherry Pie Picache).

Naging parte siya ng pamilya ni Luz nang mag-apply siya at matanggap bilang babymaker ng pamhintang panganay ni Luz na si Oscar (Polo Ravales) at live-in partner nitong si Adrian (Sid Lucero) na gustong magkaanak.

Ang pangalawang bading na anak ni Luz na si Orson (John Prats) na isa nang designer ay patay na patay pa rin sa bespren niyang si Marky (Mike Tan) na nakatakda nang ikasal.

Nakatagpo ng bagong ‘pag-ibig’ si Orson sa agaw-celfone victim na nagka-amnesia na si Rainier (Alex Castro).

Ang bunsong si Orwell (Jiro Manio) ay naguguluhan kung nagdadalaga ba siya o nagbibinata. Meron siyang girlfriend kuno (Andrea Torres), pero type na type niya ang kanyang hunky swimming instructor (Paolo Rivero).

Very Rufa Mae ang tatanga-tangang babymaker character niya kaya wala siyang ka-effort-effort sa movie at parang naglalaro lang siya.

Bukod sa pagiging magugulatin ay ang hilig niyang bumanat ng mali-maling quotations.

Type namin si Rufa Mae kapag lumalabas ang pagiging natural niyang kikay at babaeng bakla, lalo na pag uma-ad lib lang siya.

May redeeming value rin ang karakter niya at binigyan siya ng dramatic moments sa bandang huli, na natauhan siya sa pang-uuto at pang-aabuso sa kanya ng nobyo niyang halang ang bituka.

Si Polo ay macho gay ang drama at tilian ang audience nang halikan niya sa pisngi ang dyowang si Sid.

Super-selos ang Sid at imbyerna sa hitad na babymaker na umeksena sa buhay nila.

Maingay at eksenadora pa rin ang flamboyant gay character ni John, na mortal na kaaway ang dating kaibigang si Frida (Charles Christianson) at kakampi pa rin ang sidekick na si Cher (IC Mendoza).

Pinaka-cute ang da­ting sa amin ng bunsong badinglet na si Jiro na elya-elya kay Paolo Rivero. Tilian ang fans nu’ng i-mouth-to-mouth siya ni Paolo, na niyakap niya nang masarapan siya sa halik nito.

Hindi pilit o OA ang pagbabakla-bakla ni Jiro kaya aliw kami sa karakter niya. Sana ay mas mahaba pa ang mga eksena ng bagets.

Kahit sa dream sequence ni Sid na may production number silang lahat ay si Jiro ang pinaka-cute mag-mujer-mujeran. May sarili rin siyang sidekick na badinglet (EJ Jallorina).

Naroon pa rin ang Bisayang katulong nina Luz na si Tess (Giselle Sanchez) at bagong entra ang TH starlet na si Summer Rain (Rubirubi) na panay ang tsansing sa himataying mister ni Luz.

Nagtatawanan naman ang mga tao sa premiere night nito nu’ng Linggo sa SM Megamall, kaya positive sina Mother Lily Monteverde at Direk Joel Lamangan na magkiklik ang Manay Po 2: Overload na palabas na bukas sa mga sinehan.

by: Allan Diones

pageTracker._initData(); pageTracker._trackPageview();