Top

Ara Mina dating John James Uy of Be Bench

47 views

Sponsored Links

John James Uy
Suportado ni Ara Mina ang pagsali ni John James Uy sa Be Bench finals nito nu’ng Martes.

Kasali si John sa final six na naglaban sa Be Bench pero hindi ito pinalad kaya nalungkot si Ara. Naging close na ito sa kanya.

Pagkatapos ng finals ay nagkita sina Ara at John para lumabas. Hanggang magkaibigan lang muna sila, ayon kay Ara, dahil naging abala si John sa sinalihan niyang Be Bench at ganun din ang aktres na kararating lang galing Amerika.

Aminado si Ara na si John ang lalaking pinaka-close sa kanya ngayon pagkatapos ng break-up nila ni Polo Ravales.
Ayaw niya kaming sagutin kung ito na ba ang lalaking ipapalit niya kay Polo.

Basta, naging close friends lang daw sila at mas okay raw iyun kesa magligawan agad.

Naiirita na si Ara na pag-usapan ang tungkol kay Manny Pacquiao dahil wala raw katotohanan. Meron pang isyung madalas daw itong nagte-text sa Pambansang Kamao, kaya pinalitan na lang ng aktres ang number ng cellphone niya para wala nang masabi ang mga tao.

Bukod pa riyan, ang dami na raw nakaalam ng number niya kaya kung sinu-sino na lang daw ang tumatawag.

Comments

This website uses IntenseDebate comments, but they are not currently loaded because either your browser doesn't support JavaScript, or they didn't load fast enough.

3 Responses to “Ara Mina dating John James Uy of Be Bench”

  1. Anonymous on September 15th, 2007 2:58 am

    por john uy. anyhoo, he looks bading naman ..kya oks lang!

  2. Anonymous on September 16th, 2007 12:29 am

    hindi bading yan si john, pabling kamo! pero totoo nga sila na ni ara…nakita ko sa krispy kreme dati tume-take out at parang nakaakbay pa

  3. Cover Boys Fashionista on July 30th, 2008 8:59 pm

    [...] is composed of Jake Cuenca, Zanjoe Marudo, Rafael Rosell, Jon Avila, Will Devaughn, Ron Morales, John James Uy, Marvin Raymundo and Carlo Guevarra. They actually still look sexy even when fully clothed..but [...]

Got something to say?





?>
Bottom