Another Rhian Ramos Hate Mail

December 14, 2007 · Filed Under Rhian Ramos, Uncategorized 
i received in my inbox yet another hate mail directed towards not just Rhian Ramos but the GMA Artist Center..judge for yourself:

“Ang Katotohanan Sa Mga Mga
Gimik Ni Rhian Ramos At GMA Artist Center”

“Nais kong iparating sa lahat na totoo ang ILAN sa hinala ng mga
entertainment press na ang mga email na ipinadadala sa mga writers
ay scripted at pakana ng kampo ni Rhian upang mapagtakpan ang ilang
issue at para na rin mapag-usapan palagi si Rhian.

“Nagtataka siguro kayo kung bakit ko isinisiwalat ang mga ito?
Simple lang po, hindi sila tumupad sa mga pinangako nila. Patuloy
sila sa pag-uutos sa amin ng kung anu-ano, pero mag-aapat na buwan
nang hindi nila binibigay ang ipinangakong bayad.

“Nagtataka rin siguro kayo kung bakit kami pinagkakatiwalaan ni Mam
Ida sa isang napaka-sensitibong bagay na katulad nito. Matagal na
kaming nagtatrabaho para kay Mam Ida. Bago pa man siya maging Head
ng GMA Artist Center noong 2002 ay nagtatrabaho na kami para sa
kanila ni Sir Ronnie Henares. Kami ang mga palakpak at hatak crowd
ng mga Primeline Inc. talents ni Sir Ronnie.

“Hinggil naman dito sa mga damage control at publicity emails for
Rhian, nag-start kaming utusan ni Mam Ida last July 2007 lamang.
Simula nang pumutok ang balita tungkol sa pag-iwan kay Rhian ng
kanyang mga dating fans ay kinontrata kami ni Mam Ida at Jen Donato
ng Artist Center para maging damage control kay Rhian sa pamamagitan
ng pagpapadala ng mga email sa mga writers. Ayon pa kay Mam Ida, `we
can turn this bad publicity to our advantage.’ Yan ang hindi ko
malimutang reason ni Mam kung bakit kailangan naming gawin ito.

“Ngunit may isang pagkakataon noon na nautusan din ako na mag-email
sa mga writers upang mai-link si Rhian Ramos kay Mark Herras. Ang
dahilan ay upang mapagtakpan ang mainit na isyu sa kanila ni PJ
Valerio. Ngunit hindi na ito ipinatuloy dahil hindi naging maganda
ang reaksyon at pagtanggap ng fans nina Mark at Jennylyn [Mercado]
kay Rhian.
May ilang issues din naman na hindi kami ang may gawa at talagang
nangyari:

1. Nang lumabas ang isyu tungkol sa mga “kissing pictures” ni Rhian
ay agad kaming pinatawag ni Jenny Donato. Doon ay nadatnan namin na
pinagagalitan ni Mam Ida si Rhian. Naroon din ang kanyang ina.
Narinig namin na pinapagalitan ni Mam Ida si Rhian at sinasabihan
na “Stop seeing that guy.” Hindi namin makalimutan ang sagot ni
Rhian na magpahanggang ngayon ay isang palaisipan para sa amin, “I
wanted to but I can’t. He might destroy me. He knows something.”
Pagkatapos nun ay bigla kaming sinabihan ni Mam Ida na lumabas muna
at tatawagin na lang kami at mag-uusap muna sila. Pagkatapos nilang
mag-usap ay pinatawag na kami ulit ngunit napagdesisyunan na hayaan
na lang mag-die down ang isyu at hindi na naming kailangang mag-send
ng mga email.

2. Nang lumabas ang isyu hinggil sa paglalasing at pagwawala ni
Rhian sa isang radio station ay tinawagan kami kaagad ni Jenny at
sinabing may ipapakalat sa aming mga email. Ang email ay tungkol sa
pagde-date ni Rhian at Jeremy (Marquez) sa Sucat. Ipinakakalat ito
sa press upang mapagtakpan ang isyu ng pagwawala (ni Rhian) sa radio
station. Makaraan ang 2 araw ay inutusan ulit kami na magpadala ng
mga email at magpanggap na mga fans ni Rhian at ilagay na ginagamit
ni Jeremy ang pondo ng BF sa kanyang pakikipag-date. Kailangan daw
ay maging maingay at yung siguradong papatulan ng mga reporters ang
balita.

3. Ilang araw pa lang siguro ang nakakaraan ay nakatanggap ulit kami
ng tawag kay Jen at sinasabing nag-backfire ang mga email at parang
lumalabas na si Rhian pa ang nagkalat ng pakikipag-date niya kay
Jeremy. Inutusan kaming mag-leak ng mga email sa writers linking
Rhian kay Richard Gutierrez. Maganda raw ang pagkakataon dahil break
na sina Richard at Georgina (Wilson). Kaya ang mga pagli-link kay
Richard kay Rhian ay para patayin ang isyu kay Jeremy.

4. Kamakailan lang ay nakatanggap kami ulit ng tawag kay Jen at
kinakailangan na naman daw naming magpadala ng mga email. Scripted
ang nangyari kina Paolo Paraiso at Rhian Ramos. Sinadya nilang
pumuntang magkasama sa Star Awards at pagkatapos ay gagawan namin
sila ng isyu para mapatay ang isyu tungkol sa pagda-drop out ni
Rhian sa school pati na ang pagkaka link nya kay Direk Michael
Tuviera. Pinadalhan kami ng picture ni Jenny sa email at iyon daw
ang ipakalat namin.

“Bukod pa sa mga iyan ay inuutusan din nila kami na magpadala ng mga
impormasyon at email na laban kay Marian Rivera. Karibal daw kasi
ito ni Rhian para sa Dyesebel.

“Nagtataka siguro kayo kung bakit negative ang ibang isyu na
ipinadadala namin kay Rhian. Dahil ayon kay Mam Yda, kung hindi ito
negative, papatusin ba ito ng mga writers? At para rin hindi
mapagdudahan ang kanilang kampo na source ng mga publicity para
mapag-usapan at mapagtakpan na rin ang ibang isyu.

“Tatlo nga po pala kaming tagapagpakalat ng email, pero ako lang po
ang humaharap kina Jenny at Ida.

“Hindi rin ba kayo nagtataka kung saan namin nakuha ang mga email
address ng mga writers? Provided po lahat yan ni Jenny.

“Marlon Fabian”

Comments

One Response to “Another Rhian Ramos Hate Mail”

  1. 1
    Rhian Ramos Sex Video Scandal Says:

    [...] Ramos also figured in several emails more prominent of which is an allegation of an incident in Magic 89.9’s station booth. [...]

Leave a Reply

This site is using OpenAvatar based on
  • Recent Comments

  • Sponsors

pageTracker._initData(); pageTracker._trackPageview();